Wednesday, November 10, 2021

Ping: Panahon na Para Ibigay sa LGUs ang Procurement at Implementasyon ng Proyekto

Nobyembre 10, 2021 - Para maiwasan ang korapsyon at maling paggastos ng pondo, napapanahon na para ipasa ng gobyerno sa lokal na pamahalaan ang pagbili ng supplies at implementasyon ng kani-kanilang proyekto, ayon kay Senador Ping Lacson nitong Miyerkules.


Ayon kay Lacson, marami nang nagawang maling desisyon ang mga pambansang ahensya ng gobyerno sa procurement, kabilang na ang paglipat ng P42 bilyon sa Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM), kung saan nakakuha ng bilyun-bilyong kontrata ang mga kahina-hinalang kompanya tulad ng Pharmally Pharmaceutical Corp. sa kabila ng kakulangan sa qualifications.


"Why don’t we devolve the procurement of medicines, drugs and other items? It's about time. Time and again we have witnessed bad procurement by the DOH and other line agencies," ani Lacson sa deliberasyon ng Senado sa P5.024-trilyong national budget para sa 2022.


Dagdag pa ng senador na matagal nang isinusulong ang pagpapalakas sa LGUs, itinuring ng Commission on Audit na red flag ang pagbili ng DOH sa mga gamot na malapit nang mag-expire na nagkakahalaga ng P95 milyon.


"We're now again putting in at least P30 billion under the House version of the budget bill to purchase drugs, medicines, medical and dental supplies. I've nothing against procurement of drugs and medicines but if we're wasting money for the procurement of nearly expired or expiring drugs, what's the sense of spending a lot of money?" giit ng senador.


Binigyang diin ni Lacson na mas maayos ang procurement na ginagawa ng mga LGU katulad ng mga biniling ambulansya na mayroon nang basic life support equipment.


Habang umaabot sa halagang P2.5 milyon kada isang ambulansya ang nabili ng DOH, P1.5 milyon lamang ang bili ng mga LGU sa parehong ambulansya na may kaparehong specifications.


"Mas mahal ang procurement ng national, there are 841 units," sabi ni Lacson.


Samantala, napapanahon na rin aniya na wag mangialam ang gobyerno sa pagpapagawa ng mga maliliit na proyekto ng lokal na pamahalaan.


Ibinahagi ng senador na base sa mga nakaraang deliberasyon sa badyet, isinasantabi ang mahigit sa 80 porsyento ng mga rekomendasyon ng LGU na nakapaloob sa kanilang local development plans.


Sa panahon ding ito, naglabas ng circular si dating Budget Secretary Wendel Avisado na hindi maglalabas ng pondo ang DBM sa mga ahensya ng gobyerno kung walang formal endorsement mula sa Regional Development Councils.


"Why not unburden the Department of Public Works and Highways, Department of Transportation and other agencies so they can focus on big-ticket projects instead of involving themselves in smaller projects?" tanong ni Lacson.


Lumabas sa pagdinig na sa 119 na flagship infrastructure projects ng administrasyong Duterte, 14 lamang ang nakumpleto habang apat naman ang inaasahang matatapos pagdating ng Hunyo 2022.


Sinabi rin ni Lacson na ang pagpasa ng responsibilidad sa lokal na pamahalaan ay bilang pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Mandanas-Garcia ruling na layong magbigay ng mas maraming pondo sa LGUs. "If we don’t start now, I don’t think we can comply with the Mandanas ruling," dagdag nito.


*********

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post