Friday, November 12, 2021

Ping, Nagbigay Daan sa Mas Inklusibong Paghubog ng Badyet

Nobyembre 12, 2021 - Sa tulong ni Senador Ping Lacson, kasama ang civil society groups sa pagsuri ng P5.024-trilyong badyet para sa 2022 - at pagtiyak na makakatugon ito sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.


Sumulat ang Social Watch Philippines at Alternative Budget Initiative kay Lacson noong Nov. 10, bilang pasasalamat sa kanilang naging partisipasyon sa mga pagdinig ng Senate Finance Committee hinggil sa badyet.


"We hope that you will continue to support our inclusive budget proposals that focus on the needs of the country’s most marginalized sectors, especially since they are the ones that were most affected by the pandemic, by sponsoring before the plenary deliberations and incorporating into the good Senator’s budgetary amendments to the FY 2022 General Appropriations Bill," sabi ng co-convenors na sina Rene Raya, Ma. VIctoria Raquiza and Jessica Cantos sa kanilang sulat kay Lacson.


Pinuri rin nila ang mga hakbang na ginawa ni Lacson sa paglilingkod sa bansa at sa paniniwala sa hangarin ng Social Watch Philippines-Alternative Budget Initiative.


Kamakailan ay inendorso ni Lacson ang partisipasyon ng SWP-ABI sa mga pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Sen. Juan Edgardo Angara na sumusuri sa budget bill.


Sinuportahan din ni Lacson ang "Budget Serye sa Senado" kung saan binigyang diin ng senador ang kahalagahan ng isang inklusibong badyet na makaka-responde sa pandemya.


Noong 2019, inihain ni Lacson ang Senate Bill 24 o ang “People’s Participation in the National Budget Process Act of 2019,” na layong magbigay ng pribilehiyo at insentibo sa mga accredited groups na magiging parte ng proseso ng pagpasa ng badyet.


Ani Lacson, isang paraan ito para maiwasan ang pork insertions at hindi naaangkop na items sa national badyet

gayundin para mahikayat ang kolaborasyon sa pagitan ng lehislatura at civil society groups para magkaroon ng isang people-oriented budget at pananagutan sa budget process.


*********






0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post