Ping, Pinabulaanan ang Pahayag ni Mago Hinggil sa 'Intimidation'
Nobyembre 27, 2021 - Kung may "pressure" mang naramdaman ang dating admin officer ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. na si Krizle Mago nang humarap siya sa Senado noong Setyembre, ito ay para sabihin ang katotohanan at hindi magsinungaling.
Pinabulaanan ni Senador Ping Lacson nitong Biyernes ang pahayag ni Mago na siya ay na-"intimidate" o tila napilit na sabihing damay ang ibang opisyal ng Pharmally sa pag-uutos na pekein ang expired labels sa mga face shield.
"Na-pressure siyang magsabi ng totoo. Hindi siya na-pressure mag-lie if at all totoong na-pressure siya. She was very calm and sabi ninyo kanina, unaided lahat," ani Lacson matapos kwestyunin si Mago sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa iregularidad sa procurement ng medical supplies para sa pag responde sa pandemya.
Pinapatungkulan dito ni Lacson ang naturang pahayag ni Mago sa Mababang Kapulungan na napwersa siyang magsabi ng ilang pahayag sa pagdalo niya sa Senate hearings.
Giit ni Lacson, binigyan niya ng sapat na oras si Mago na sagutin ang kanyang mga katanungan nang walang pressure.
"I did not even mention the name of Mohit Dargani. In fact I had no idea who gave her instructions to replace the stickers," ani Lacson.
Sa pagdinig nitong Biyernes, ipinakita ni Lacson ang video clip na nagpapakita na nag-testify si Mago kay Lacson kung saan sinabi nya na nautusan sya ng higher management na sabihan ang warehouseman na pekein ang expired labels sa face shields.
Sa pagdinig noong Sept. 24, sinabi ni Mago na si Mohit Dargani ang nag-utos sa kanya. Maaalala na kamakailan ay inaresto si Dargani at ang kapatid niyang si Twinkle bago pa man sila makalipad papuntang abroad nitong buwan.
"You could have mentioned Linconn Ong because he is part of the Pharmally management. You could also have mentioned Twinkle Dargani, and all other people and management of Pharmally. But you specifically mentioned Mohit Dargani," sabi ni Lacson kay Mago.
Sa kabilang banda, sinabi ni Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon kay Mago na perjury ang ginawa niya habang pinunto naman ni Senate minority leader Franklin Drilon na si Mago mismo ang nagdawit sa pangalan ni Dargani.
*********
0 comments:
Post a Comment