Tuesday, November 23, 2021

Just Do It! Ping, Isinusulong ang Voluntary, Random Drug Tests

Nobyembre 23, 2021 - "Voluntary drug test: Just do it!"


Pinangunahan ni Senador Ping Lacson ang pagsasailalim sa drug test para sa mga kandidato sa darating na eleksyon upang patunayan sa publiko na hindi siya gumagamit ng ilegal na droga.


Sumailalim sa drug test sa Philippine Drug Enforcement Agency si Lacson at ang kanyang running mate na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III nitong Lunes. Ayon kay Lacson, mas mabuti kung random ang isasagawang drug test para maiwasan ang paratang na pandaraya sa resulta.


"On top of commenting or issuing statements that 'we are willing' or 'we are encouraging,' mas magandang gawin na lang na hindi nag-aalalang mag-positive," ayon kay Lacson na tumatayong presidential standard-bearer ng Partido Reporma sa kanyang panayam sa CNN Philippines.


Aniya, ito ay isang pagpapatunay na hindi lang sila puro salita sa kanilang pahayag na handa silang magpa-drug test.


Ayon naman kay Sotto, na tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People's Coalition, mas holistic ang drug test na isinasagawa sa PDEA kaya mas pinili nila na dito magsagawa ng test.


Sa kabilang banda, sinabi naman ni Lacson na mas mabuti ang isang random drug test sa halip na scheduled dahil posibleng umiwas lang sa bawal na gamot ang isang indibidwal sa loob ng ilang araw para mag-negative ang resulta.


Pumasa sina Lacson at Sotto sa isinagawang voluntary drug test sa PDEA kung saan sumailalim sila sa multi-drug testing para maging isang halimbawa para sa ibang mga kandidato na nais tumakbo sa matataas na posisyon sa gobyerno.


Isa sa mga pangako ni Lacson ang pagpapatupad ng disiplina sa ilalim ng kanyang liderato sa pamamagitan ng leadership by example--isang katangian na nagpabalik sa tiwala ng publiko sa PNP nang ito ay kanyang pamunuan mula 1999 hanggang 2001 at maging sa kasalukuyan sa kanyang pagsisilbi bilang senador.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post