Saturday, November 13, 2021

 Ping: Digitalization Ang Sagot sa Pagpupuslit ng Asukal

Nobyembre 14, 2021 (BACOLOD CITY) - Isinulong ni Senador Ping Lacson nitong Sabado ang digitalization ng mga proseso sa gobyerno para mapigilan ang pagpupuslit ng asukal at iba pang produktong pang-agrikultura.


Ayon kay Lacson, ang full automation lamang sa mga ahensya ng gobyerno ang makakalutas sa pagpupuslit ng mga produkto na siyang talamak sa industriya ng asukal sa probinsya.


"Ang kalaban ng sugar industry, simple lang - smuggling. Yan ang No. 1 na kalaban. Kasama sa program natin ang full digitalization," giit ni Lacson sa panayam sa DYHB radio.


Kasama sa plataporma ni Lacson ang full digitalization at automation sa mga ahensya ng gobyerno para mabawasan at tuluyang masugpo ang korapsyon.


Aniya, kapag ang sistema ay automated, mas mahirap para sa smugglers ang manuhol dahil mga computer ang kanilang ka-transaksyon.


"If they deal with 'human' officials, there is a chance of corruption. But not as much, if at all, if they have to deal only with automated processes," paliwanag ni Lacson.


Dumating sina Lacson at Senate President Vicente "Tito" Sotto III dito sa Bacolod City nitong Sabado para sa isang Kumustahan na mainit namang tinanggap ng mga residente. Si Lacson ay tumatakbo sa pagka-Presidente sa Partido Reporma, at si Sotto ay tumatakbo sa pagka-Bise Presidente sa Nationalist People's Coalition.


Kasama nila ang mga senatoriable ng Partido Reporma na sina Minguita Padilla at Monsour del Rosario.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post