Thursday, November 25, 2021

Ping, Isinulong ang P300M Badyet Para Maisaayos ang Pasilidad sa Pagasa Island

November 25, 2021 - "We walk the talk now. We will always walk the talk."


Isinulong ni Senador Ping Lacson nitong Huwebes ang pagdagdag sa badyet para mas mapalakas ang defense posture ng ating bansa sa Pag-asa Island na nasa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.


Ayon kay Lacson na bumisita sa Pag-asa Island noong Nobyembre 20 bilang pinuno ng Senate Defense Committee, hindi maganda ang kasulukuyang kondisyon ng ating mga sundalo na naka destino sa lugar.


"Pag may nakitang problema o kakulangan sinusundan natin ng aksyon. Hindi pangako lang, talagang gagawan namin ng paraan ni Senate President Vicente 'Tito' Sotto III,” ani Lacson sa lingguhang LACSON-SOTTO Meet the Press media forum.


Ibinahagi ni Lacson na panukala niya na magkaroon ng P254.241 million na pondo para sa pagsasaayos ng pasilidad sa Kalayaan kabilang na ang:


* P5.393 million para sa procurement ng power system requirements;

* P15.351 million para sa procurement ng rubber boats na may outboard motors;

* P233.497 million para sa procurement ng communication at iba pang mission-essential equipment para sa KIG detachments.


Panukala rin ni Lacson na magdagdag ng P38.509 million para sa Pagasa Island Research Station (PIRS), para mas magamit at mapag-aralan ang marine resources sa West Philippine Sea. This. Kabilang dito ang:


* P10 million para sa two-storey dormitory building/marine facility

* P28.509 million para sa pagbili ng marine scientific and oceanographic equipment


Kamakailan, isinulong ni Lacson ang pagpapatayo ng high school at karagdagang hardship allowances para sa mga estudyante at guro sa lugar. Sa kasalukuyan, iisa lamang ang elementary school sa lugar at may dalawang guro lamang.


Iba pang mga amendments na pinanukala ni Lacson ay ang P100 milyong dagdag na subsidy sa Integrated Bar of the Philippines.


Sa kabila nito, iginiit ni Lacson na may disconnect ang badyet ng ilang mga ahensya sa mga tunay na pangangailangan ng LGUs, kabilang na ang badyet ng Department of Public Works and Highways.


Sinabi naman ni Sotto na sakaling manalo sila ni Lacson sa halalan sa 2022, mareresolba ni Lacson ang talamak na isyu sa paghahanda ng badyet.


Ani Sotto, may 18 taong karanasan si Lacson sa pagsusuri ng badyet na kanyang nahasa na sa Senado.


"Can you imagine if Sen. Lacson is President and will execute the budget and propose the National Expenditure Program? Pagkatapos ng 18 taon scrutinize niyan at bigyan ng pagkakataon siya gagawa ng NEP at mag-execute ang laki ng ginhawa ng ating mga kababayan,” saad ni Sotto.


Tumatakbo si Lacson sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma habang si Sotto ay tumatakbo sa pagka-Bise Presidente sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post