Friday, November 12, 2021

Ping: Masteral Courses Para sa Community Planners, Kailangan sa Pagpapalakas ng LGUs

Nobyembre 12, 2021 - Isinulong ni Senador Ping Lacson nitong Huwebes ang pagbibigay ng masteral courses para sa mga community planner ng 1,488 munisipalidad sa bansa, para mapakinabangang mabuti ang pagtaas ng badyet kada LGU alinsunod sa Mandanas-Garcia ruling simula 2022.


Ayon kay Lacson, isang magandang investment ito kung saan ang lokal na pamahalaan ay magkakaroon ng kasunduan kasama ang Development Academy of the Philippines para hasain ang kasanayan ng mga community planner sa bansa.


"Maybe the 1,488 municipalities can benefit from that. If the Local Development Academy has no wherewithal to provide masteral courses, maybe we can sign a MOA with the DAP so we can develop the skills of our community planners to enroll in their degrees and go back to the municipalities under a contract to serve for a certain number of years," ani Lacson sa deliberasyon ng Senado sa 2022 badyet ng Department of Interior and Local Government.


"That’s what we did in the Yolanda corridor. They are back and continue to do their duties there. Just food for thought that it can be done. That’s a worthwhile investment," dagdag ng senador.


Aniya, kailangang ihasa ng community planners ang kanilang absorptive capacity para lubusang magamit ng LGUs ang karagdagang resources mula sa Mandanas-Garcia ruling - na ipapatupad simula 2022 - kung saan bibigyan ng kalayaan at responsibilidad ang lokal na pamahalaan na ipatupad ang kanilang proyekto.


Matagal nang isinusulong ni Lacson ang pagpapalakas sa LGUs sa pamamagitan ng kanyang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE), kung saan ililipat ang resources sa LGUs para maipatupad ang kanilang proyekto dahil sila ang mas nakakaalam kung ano ang pangangailangan at dapat na maging prayoridad ng kanilang constituents.


Sa kanyang pag-alala sa kanyang karanasan bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery para sa pakikipag-ugnayan sa pag-aabot ng tulong sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan), ibinahagi ni Lacson na ang United States Agency for International Development (USAID) ay nagbigay ng P150,000 kada scholar para maka-enroll sa DAP.


Kabilang sa mga kinuhang kurso ng scholars ang Master in Public Management at Major in Local Governance and Development.


"And they graduated, 161 of them from 171 cities and municipalities devastated by Yolanda. They are now performing very well making use of their masteral degrees," sabi ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post