Sunday, November 21, 2021

Ping, Di Nagpatinag sa Babala ng Tsina sa Pag-Asa Island

Nobyembre 22, 2021 - "This is my country and no foreign armed forces can tell me to stay out."


Ito ang naging sentimyento ni Senador Ping Lacson sa kanyang pagpunta sa Pag-asa Island nitong Sabado.


"Being radio challenged by a Chinese Coast Guard vessel stationed more than three nautical miles off the coast of Pag-asa, I never considered backing out. Aside from the possibility of being fired at being remote, this is my country, not theirs. They had no right. That was my mindset," pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter account nitong Linggo ng gabi.


Kwento ni Lacson, hinamon sila ng Chinese Coast Guard vessels nang papalapit na sila sa airstrip ng isla.


Ani Lacson, nang lumapag na sila sa airstrip ng Pag-asa Island, nakatanggap sya ng kakaibang text message na nagsasabing "Welcome to China." Matatandaan na noong mga nakaraang aeaw, hinarang at nagpaputok ng water cannons ang mga naturang Chinese Coast Guard vessels sa dalawang Philippine vessels na nagdadala ng supplies sa ating military personnel sa Ayungin Shoal.


Binigyang diin muli ni Lacson, na pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security, ang pangangailangan ng "balance of power" sa West Philippine Sea bilang pagtupad sa karapatan ng Pilipinas sa ating exclusive economic zone (EEZ).


Sa kanyang pagbisita sa Pag-asa Island nitong Sabado, pinangunahan ni Lacson ang isang flag-raising ceremony at paglalagay ng tatlong watawat ng Pilipinas sa isla. Nakipag-usap din siya sa mga residente rito at sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na naka-istasyon sa isla para malaman ang kanilang pananaw sa isyu sa West Philippine Sea.


"Today, I planted our country’s flag with our patriotic soldiers in Pag-asa Island, municipality of Kalayaan in the West Philippines Sea in front of the Chinese Coast Guard ships more than 3 nautical miles away," ani Lacson sa kanyang Twitter account nitong Sabado.


Sa kanyang pagpupulong kasama ang Western Command officials na pinangungunahan ni Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez na kabilanh sa  Philippine Military Academy Class 1988 kasama sina AFP Chief of Staff Lt. Gen. Andres Centino, Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Adeluis Bordado, Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Allen Paredes, Philippine National Police chief P/Gen. Dionardo Carlos, Philippine Coast Guard Commandant Vice Admiral Leopoldo Laroya at iba pang matataas na unipormadong opisyal, panawagan ni Lacson sa kanila na impluwensyahan ang kasalukuyang liderato na magkaroon ng "balance of power" sa pamamagitan ng mas pinalakas at mas pinalawig na alyansa sa mga bansang may malakas na military na kakampi natin sa pagtatanggol sa ating freedom of navigation sa West Philippine Sea.


Para kay Lacson, ang insidente na nangyari noong Nov. 16 ay "totally unacceptable, even pathetic, on the part of our people involved in the resupply mission to Ayungin Shoal."


*********





0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post