Tuesday, November 23, 2021

P1M Payroll Corruption sa DSWD Region 11, Binuking ni Lacson

Nobyembre 23, 2021 - Mahigit isang taon na ang nakakalipas. Bakit wala pa ring aksyon?


Kinuwestyon ni Senador Ping Lacson ang kawalan ng aksyon sa isyu ng pasweldo sa Department of Social Welfare and Development sa Region 11, kung saan ang halagang P1 milyon na nakalaan para sa employees' travel allowance (TEV) ay inilipat umano sa account ng isang administrative assistant, at pinagtakpan ito ng isang opisyal.


"We should not wait for the other cases. This is pretty solid. There were victims. By now, one year later, dapat nasa Ombudsman na siguro ito. Kung now wala pang progress, we cannot expect any more action on this matter,” ani Lacson sa deliberasyon ng 2022 badyet ng DSWD.


Base ito sa isang letter complaint ni Audrie Perez na dating Pangulo ng Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP). Ayon kay Lacson, ang insidenteng ito ay nangyari bandang Oktubre 2020.


Ayon sa complaint, isang DSWD staff na Pantawid Field Implementer ang pumunta sa San Pedro branch ng Land Bank of the Philippines para humingi ng tulong matapos hindi maideposito sa kanyang account ang kanyang TEV.


Napag-alaman nila na maging ang TEV ng ibang regional staff ay dineposito sa account ng isang Ireneo Suerto na isang administrative assistant na in charge sa paghahanda ng payroll.


Ngunit sa kabila ng naturang insidente, hindi nila sinesante o sinampahan man lang ng kaso si Suerto, maging ang hindi pag-renew ng kontrata nito noong December 2020.


"Worse, a certain Margie Cabido (Pantawid Program Division Chief) ordered to keep the incident a ‘secret’. This complaint has also been elevated to Secretary Rolando Bautista, but no investigation has been conducted until now," saad ni Lacson.


"That’s why out of desperation, Mr. Perez sought the assistance of other officials in Congress," dagdag ng senador.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post