Ping, Nasilip ang Duplication ng mga Proyekto sa DPWH 2022 Budget
Nobyembre 24, 2021 - Anong ginagawa ng P147.283 bilyong halaga ng duplicate projects sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2022?
Kinuwestyon ito ni Senador Ping Lacson nitong Martes matapos malaman ang tungkol sa duplicate projects sa ilalim ng "Convergence and Special Support Program" sa panukalang badyet ng ahensya.
"We note that under the program 'Convergence and Special Support Program,' there is apparent duplication of projects, particularly under the Sustainable Infrastructure Projects Alleviating Gaps (SIPAG) and Basic Infrastructure Program (BIP)," ani Lacson sa deliberasyon ng badyet ng DPWH para sa 2022.
Aniya, kailangang malaman ang pagkakaiba ng mga proyekto sa ilalim ng SIPAG at BIP na halos magkapareho ang descriptions:
* Mga kalsada papunta sa strategic public buildings: P47.976 billion sa ilalim ng SIPAG at P10.2215 billion sa ilalim ng BIP
* Flood mitigating structures: P38.623 billion sa ilalim ng SIPAG at P6.378 billion sa ilalim ng BIP
* Mga kalsada na madaraanan ang iba't ibang LGUs: P11.801 billion sa ilalim ng SIPAG at P1.501 billion sa ilalim ng BIP
* Multi-purpose buildings: P9.622 billion sa ilalim ng SIPAG at P17.205 billion sa ilalim ng BIP
* Coastal roads/causeways: P1.842 billion sa ilalim ng SIPAG at P215 million sa ilalim ng BIP
* Mga kalsada patungo sa IP communities: P253 million sa ilalim ng SIPAG at P1.643 billion sa ilalim ng BIP
Sa kabuuan, tinatayang aabot sa P110.118 billion ang duplicate projects sa ilalim ng SIPAG at P37.164 billion sa ilalim ng BIP.
Ayon kay Lacson, halos magkatulad lang ang description ng mga proyektong ito at kailangang malaman mula sa DPWH kung ano ang pagkakaiba nila.
"If the projects under SIPAG and BIP are identical, why do we need to have two separate sub-programs?" dagdag ng senador.
*********
0 comments:
Post a Comment