Ping, Handang Bawiin ang Karapatan sa Bank Secrecy sa Unang Araw ng Panunungkulan
Nobyembre 18, 2021 - Para pangunahan ang isang disiplinado at malinis na gobyerno, sumumpa si Senador Ping Lacson nitong Huwebes na handa siyang bawiin ang kanyang karapatan sa ilalim ng Bank Secrecy Law sa unang araw ng kanyang panunungkulan kung sakaling manalo siya bilang Pangulo sa 2022.
Para kay Lacson na tumatayong standard bearer ng Partido Reporma, nagpapakita ito ng kanyang "leadership by example" para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.
"My first 100 days in office will also lay the foundation for a clean government. To ensure our people that 'leadership by example' will set the tone of my administration, I will lead the way by signing a waiver of my rights under the Bank Secrecy Law and encourage all the members of the cabinet, down to the rank and file to do the same," ani Lacson nang siya ay dumalo sa Philippine Chamber of Commerce and Industry 47th Philippine Business Conference and Expo.
"This will happen on my first day in office, not in the first 100 days. This will signal our commitment to restoring the trust of our people in their public officials," dagdag ng presidential candidate na nag-akda ng mga panukala sa Senado na layong hindi na isama ang mga empleyado ng gobyerno sa sakop ng Bank Secrecy Act.
Nangako rin si Lacson na kasama sa mga gagawin niya sa loob ng unang 100 araw niya sa opisina ang pagbibigay ng mas episyenteng serbisyo para sa sektor ng kalusugan at ekonomiya, at ang pagkakaroon ng maayos na pundasyon para sa isang malinis na gobyerno.
"Hence, in my first 100 days, I will ensure that we will fully fund our existing gaps that will lead to the full implementation of the Universal Health Care Act, to provide not just free vaccines to all Filipinos but also free testing and treatment backed by data-driven contact tracing that will enable us to stop all 'lockdowns,’” sabi ni Lacson.
Kabilang sa mga gagawin ng kanyang administrasyon ang paghahanda ng mga resources para gawing accessible at mura para sa mamamayan ang COVID-19 pill katulad ng "molnupiravir" at iba pang anti-viral drugs na napatunayang epektibo laban sa Coronavirus.
"We will do these efforts in partnership with our local executives and the private sector," pangako ni Lacson.
*********
0 comments:
Post a Comment