Ping, Handang Handa nang Sumabak sa Presidential Debates
November 15, 2021 - Handang handa na si Senador Ping Lacson na ipresenta ang kanyang plataporma sa mga nalalapit na debateng pang-Panguluhan na inorganisa ng Commission on Elections at ng iba pang mga organisasyon.
Ayon kay Lacson, ang mga debateng ito, lalo na ang mga unscripted na tanong, ang magpapakita sa publiko kung gaano kahanda ang mga kandidato na bigyang solusyon ang mga pangunahing problema ng bansa.
"These are unexpected questions testing the capability, competence and experience of each candidate. The final judge will be the people after the debate," ani Lacson na tumatayong standard bearer ng Partido Reporma standard sa kanyang panayam sa ANC.
"Ready ako kasi nag-aral kami ni Senate President Vicente 'Tito' Sotto III. Alam namin ang problema, pinagaralan namin ang solutions. We are ready to face any forum or any candidate for that matter to present our platform and plans," dagdag ni Lacson.
Aniya, nasa mga kandidato na kung magbibigay bentahe sa kanila ang pagdalo o hindi sa mga debateng ito.
Ngunit para kay Lacson, nasimulan na niyang ipresenta ang kanyang future-proof economic agenda sa isang forum na inorganisa ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), Manila Times, Cignal at Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc.; at isa pang forum na ng American Chamber of Commerce of the Philippines Inc.
Malugod na tinanggap ni Lacson ang plano ng Comelec na pangunahan ang tatlong presidential debates at tatlong
vice presidential debates simula Enero sa susunod na taon. "That’s good. That’s how people should know their candidate, how they will address their questions without a script," ani Lacson.
*********
0 comments:
Post a Comment