Tuesday, November 30, 2021

Ping, Isinapubliko ang Sariling Amendments sa 2022 Budget na Nakalaan sa Programa sa Edukasyon, Connectivity, Defense

Disyembre 1, 2021 - Sa ngalan ng transparency, isinapubliko ni Senador Ping Lacson ang kanyang panukalang institutional amendments sa 2022 budget bill kung saan isinulong niya ang pagtanggal sa mga kwestyonableng appropriations at pagsiguro na may sapat na pondo para sa priority projects, aktibidad at proyekto - tulad ng ginagawa niya taun-taon.


Isinulong ni Lacson, na mahigpit na nagbabantay sa badyet, ang pagbabawas ng pondo sa mga items tulad ng farm-to-market roads at right-of-way payments para pondohan ang mga programang pang-edukasyon, connectivity, anti-cybercrime at pangangailangan sa para sa susunod na taon.


Kabilang sa kanyang proposed amendments ay ang P300 milyon para dagdagan ang pasilidad sa Pag-asa island sa West Philippine Sea na binisita niya noong Nobyembre 20.


Isa pa sa mga panukalang amendments ni Lacson ang pagdagdag sa "connectivity load" para sa mga guro at DepEd personnel para magbigay ng online lessons sa gitna ng pandemya base sa estimates na 20 GB ang nakokonsumo ng isang guro sa tuloy tuloy na online teaching sa loob ng 20 araw at 4 na oras kada araw.


"To pursue the meaningful benefits of 'connectivity load' with significant savings for the government, an increase in the appropriations for the connectivity load for 1 million DepEd personnel is hereby proposed. To this end, increase the appropriations of the MOOE of DepEd by P1 billion or from P2.30 billion to P3.30 billion," ani Lacson.


Isinulong din ni Lacson ang isang special provision nagbibigay kapangyarihan sa LGUs na mag-contract ng serbisyo ng transport cooperatives. Ito ang magbibigay kalayaan sa LGUs na mag co-implement, mangolekta ng pamasahe at mag co-finance ng service contracting.


"This would lighten the load of the Department of Transportation and speed up the implementation of the PUV Modernization Program as the transport sectors may properly be represented by their respective LGUs. This would also ensure that the drivers are given fair wage and humane working conditions," paliwanag ni Lacson.


Sa listahan ng institutional amendments na isinumite ng Senate Finance Committee sa pamumuno ni Sen. Juan Edgardo Angara, pinanukala ni Lacson proposed ang pagbawas sa mga sumusunod na appropriations:


* Department of Agriculture:

- P1.97-billion kabawasan sa proposed appropriations para sa farm-to-market roads, mula P6.95 billion sa ipinasang House version ng budget base sa nakasaad sa National Expenditure Program. Ayon kay Lacson, sa ilalim ng desisyon ng Korte Suprema tungkol sa Mandanas ruling at Executive Order 138, ang implementasyon ng farm-to-market program ay dapat na ilipat na sa LGUs. Wala ring naganap na konsultasyon na ginawa ang DA bago sila nagpanukala ng pagtaas sa badyet.


* Department of Environment and Natural Resources:

- P2-billion kaltas para sa National Greening Program. Mula P3.68 billion ay naging P1.68 billion na lamang ito dahil sa COA performance audit noong 2019


* Department of Public Works and Highways:

- P1-billion kaltas mula P3.01 billion sa kanilang MOOE para sa routine maintenance ng national roads;

- P200-million kaltas mula P710 million para sa routine maintenance ng public buildings;

- P500-million kaltas mula sa P1.61-billion allocation para sa flood control at drainage systems;

- P1.36-billion kaltas mula sa P4.56-billion allocation para sa central office na nakalaan sa preliminary engineering/detailed engineering ng mga proyekto ng DPWH; P300-million kaltas mula P800 million para sa feasibility study kabilang na ang business case study para sa mga potensyal na Public-Private Partnership projects;

- P600-million kaltas mula sa P1.6-billion allocation para sa parcellary surveys, land appraisal at titling of public infrastructures (kabilang na ang buwis);

- P500-million kaltas mula sa right-of-way payments para sa mga ongoing at mga proyekto sa hinaharap;

- P100-million kaltas mula sa EDSA rehabilitation and improvement;

- P500-million kaltas na lump sums; at

- P44-million kaltas mula sa regional allocation para sa structural improvement ng public buildings at konstruksyon ng evacuation centers, na may kabuuang halaga na P704 million


Sa kabilang banda, nag-panukala rin si Lacson ng pagdagdag sa badyet ng mga sumusunod na appropriations:


* Department of Education:

- P500-million dagdag sa Quick Response Fund na naging P2.5 billion. Mapupunan nito ang gastos para sa repair at reconstruction costs ng mahigit 8,706 classrooms, hindi pa kasama rito ang unfunded requirements para ma-cover ang damages ng Super Typhoon Rolly; at para pang-pondo sa repair at reconstruction ng damages sa mga pampublikong classrooms noong mga nakaraang taon;

- P35-million dagdag sa Indigenous People's Education Program na naging P86.47 million;

- P425-million dagdag sa Flexible Learning Options na naging P15.64 billion;

- P90-million dagdag sa Special Education Program na naging P451.20 million;

- P550-million dagdag sa Inclusive Education Program na naging P16.59 billion;

- P22.145-million dagdag sa Child Protection Program na naging P26.72 million;

- P1-billion dagdag sa Last Mile Schools Program na naging P2.5 billion;

- P38.5-million appropriation para sa UP Diliman Institute of Marine Science Institute, kabilang na ang two-story dorm building na nagkakahalaga ng P10 million, at pagbili ng marine scientific at oceanographic equipment na nagkakahalaga ng P28.50 million; at

- pagpondo para sa mga programa ng UPLB National Institute of Molecular Biology and Biotechnology, para maiangat ang research and development kasama rito ang P120.5 million para sa konstruksyon ng microbial bank; P91 million para sa pilot plant at screenhouses para sa biofertilizers, biostimulants, at biopesticides; at P163 million para sa procurement ng lab equipment.


* Department of Information and Communications Technology:

- P1-billion dagdag para sa National Broadband Program, mula P4.5 billion naging P5.50 billion


* Philippine National Police:

- P300 million para sa PNP One Network;

- P100 million para sa operations and intelligence capabilities ng Anti-Kidnapping Group; at

- P20 million para sa implementasyon ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act


* Department of Justice:

- P41.84-million dagdag para sa Integrated Ballistic Identification System ng National Bureau of Investigation, para sa epektibong pag-iimbestiga ng cyber-related offenses


* Department of Labor and Employment:

- P178.5-million dagdag para sa Child Welfare Prevention and Elimination Program na naging P1.66 billion


* Department of National Defense:

- karagdagang P15.11 million para pondohan ang National Defense College of the Philippines


* Armed Forces of the Philippines:

- P444.32 million para aa Philippine Navy, kabilang na P254.24 million para sa enhancement ng detachments sa Kalayaan; P66 million para sa missile lifting at transport equipment, P33.31 million para sa karagdagang support sa BRP Conrado Yap PS39; P59.99 million para sa operations at maintenance sustainment ng Scan Eagle Unmanned Aerial System; at P30.77 million para sa Night Vision Imaging System.

- P38.5-million pondo para sa Pagasa Island, kabilang dito ang P10 million para sa 2-storey dorm building at P28.50 million para sa marine and scientific equipment

- P50.35 million para sa enhancement ng maritime seaboards

- P262 million para sa PVAO kabilang na ang P156 million para sa hospitalization and medical care program ng veterans at P106 million para sa pagpapatayo ng veterans' wards.


* Department of Science and Technology:

- P300-million dagdag para sa badyet ng Philippine Nuclear Research Institute para sa completion ng building na paglalagyan ng cyclotron at hot-cell facilities

- P38.54-million alokasyon para sa National Research Council of the Philippines


* Philippine Coast Guard:

- P322-million dagdag para pondohan ang dry docking at general overhauling and PMS para sa 10 Multi-Role Response Vessels (MRRVs)


* Commission on Higher Education:

- P45.28-million dagdag para sa legal education board, kabilang na ang Digital Adaptation and Readiness (DARE) program, ICT equipment, Legal Education Advancement Program (LEAP).


* Philippine Drug Enforcement Agency:

- P247.49-million dagdag para sa konstruksyon ng PDEA Region 10 office (P45 million), lab equipment (P125 million), upgrading ng PDEA national headquarters laboratory (P12 million), inter-agency committee of Task Force Drug Courier (P5 million), narcotics detection dogs breeding program (P7 million)


* Judiciary:

- P100-million dagdag para sa legal aid subsidy ng Korte Suprema sa Integrated Bar of the Philippines


Sa kabilang banda, sinikap din ni Lacson na ibalik ang appropriations para sa Loan Proceeds ng mga foreign-assisted project, Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT), na kinaltasan ng House version ng budget bill mula P2.97 billion na naging P410.61 million. Ang P2.55 billion na kailangan para ibalik ang naturang appropriations ay maaaring kunin mula sa proposed reduction mula sa farm-to-market roads appropriations ng Department of Agriculture.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post