Saturday, November 27, 2021

Kaya Nating Manalo! Ping, Nag-abot ng Papuri sa LGUs na May 24/7 Vaccination Drive

Nobyembre 27, 2021 - Kaya nating manalo!


Ito ang binigyang diin ni Senador Ping Lacson sa kanyang papuri sa local government units (LGUs) para sa kanilang mga inisyatibo na mabigyan ng bakuna ang kanilang mga residente.


Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Lacson ang ginawa ng Awuyon Community Municipal Hospital sa Baganga, Davao Oriental, na magsasagawa ng 24-hour vaccination mula Nov. 29 hanggang Dec. 1.


"Good, good and good. Let’s go Pilipinas! We can win this," ani Lacson.


"This is one prime example of the local government units being in the best position to know the needs and priorities of their constituents. Way to go!" dagdag ni Lacson.


Kasabay ng tatlong araw na 24-hour vaccination ng Awuyon Community Municipal Hospital ang National COVID-19 Vaccination Days.


Sa kabila nito, giit din ni Lacson na dapat magtuloy-tuloy pa rin ang vaccination efforts pagkatapos ng National COVID-19 Vaccination Days.


Matagal nang isinusulong ni Lacson ang pagpapalakas sa LGUs para maipatupad nila ang kani-kanilang programa at proyekto para sa kanilang mga residente.


"Vaccination is our only way out of this pandemic and the ill effects it has had on our health and economy. Our people must get the vaccination jab done while government must get the vaccination job done," sabi pa ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post