Wednesday, November 17, 2021

Ping, Prayoridad ang Digitalization Para Makaahon ang Ekonomiya

Nobyembre 18, 2021 - Sakaling palarin na mahalal bilang Pangulo sa Mayo 2022, magiging prayoridad ni Senador Ping Lacson ang digitalization para maging daan sa pagbangon ng Pilipinas mula sa pandemya at para maiwasan ang malubhang epekto ng mga katulad na krisis sa hinaharap.


Ayon kay Lacson, kabilang sa una niyang gagawin ang implementasyon ng National Broadband Program na magiging pundasyon ng isang maaasahang information and communications technology (ICT) infrastructure system sa bansa.


"My presidency promises the complete investment and implementation of our National Broadband Program to improve the internet speed and affordability all over our country," saad ni Lacson sa kanyang pagdalo sa Philippine Chamber of Commerce and Industry 47th Philippine Business Conference and Expo.


"This will be critical to connect, unify and automate all our government processes for efficient business transactions, increased revenue collections, and eradication of corruption in all levels of our bureaucracy. I am sure that our digital reforms will not only bridge our digital divide but will also boost our competitive edge as a country of great potential in the digital world," dagdag nito.


Matagal nang isinusulong ni Lacson ang digital transformation noong siya ay naging principal sponsor ng badyet ng Department of Information and Communications Technology kung saan ipinaglaban niya sa plenaryo ang paglalaan ng P18 bilyon para sa implementasyon ng National Broadband Program.


Pabibilisin din ng kanyang administrasyon ang pag-roll out ng implementasyon ng National ID System na matagal na niyang isinusulong noon pang 1999 habang siya ay nanunungkulan pa bilang pinuno ng Philippine National Police. Si Lacson ang may akda at sponsor ng National ID System.


Siniguro rin ni Lacson na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay magkakaroon ng makasaysayang pagtaas ng badyet para sa research and development, na kasalukuyang nakakatanggap lamang ng 0.4 porsyento mula sa national budget.



*********


0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post