Friday, November 26, 2021

Ping, Siniwalat ang Koneksyon ng Abogado ni Dargani sa Taga-Kamara

May conflict of interest ba ang isa sa mga abogado ng magkapatid na Dargani na nauugnay sa gusot hinggil sa procurement ng medical supplies?

Ibinunyag ni Senador Ping Lacson nitong Biyernes na ang isa sa mga abogado ng mga Dargani na si Daryl Valles ay nagtatrabaho sa isang miyembro ng Kamara de Representantes.

"I am particularly interested in the lawyering business of Atty. Valles. Because when the new spokesperson of the President was interviewed, he averred that Atty. Valles used to work in the office of the Special Assistant to the President until March 1, 2021. And since then, he’s now connected with the office of a member of the House of Representatives," ani Lacson sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng iregularidad sa procurement. 

Inamin mismo ni Mohit Dargani, opisyal sa Pharmally Pharmaceuticals Corp., na konektado si Valles sa isang opisina sa Kamara ngunit umalis na raw ito doon. Maalala na si Dargani ay naaresto kasama ang kanyang kapatid na si Twinkle nitong buwan. 

Nang tinanong siya ni Lacson kung alam niya ang naturang koneksyon ni Valles sa Kamara, ang sagot ni Dargani ay, "I take his (Valles') word for it.” Dagdag din ni Dargani, nag-resign na si Valles sa Kamara noong August 2021 nang sila ay nagka-usap.

Ani Lacson, kung konektado pa si Valles sa Kamara noong mga panahong iyon, may paglabag siya sa Republic Act 6713, o ang ethical standards para sa government employees.

Sa ilalim ng Section 7, Paragraph (b)(2) ng batas, labag sa batas ang mag "engage in the private practice of their profession unless authorized by the Constitution or law, provided, that such practice will not conflict or tend to conflict with their official functions."

Pagkakakulong ng hindi lalampas sa limang taon o piyansa na hindi tataas sa P5,000 ang parusa nito sa ilalim ng batas.

Ipinag-utos naman ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon sa panel na iberipika ang kasalukuyang status ni Valles.

"Even if he has limited authority granted by the House Speaker, meron pa ring limitation. Kung government ang kalaban sa kaso, he is not allowed to practice his profession no matter how limited,” paliwanag ni Lacson.

*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post