Ping: Isyu sa WPS, Kailangan ng Mas Matatag na Tindig Mula sa Gobyerno
Nobyembre 23, 2021 - Isinulong ni Senador Ping Lacson nitong Martes ang pagkakaroon ng mas matatag na paninidigan para ipaglaban ang ating soberanya at mga karapatan sa West Philippine Sea lalo na’t dumarami ang bansa na namumulat na sa isyu na ito.
"We should be more assertive. Di ba dati napaka-accommodating natin? We are already being bullied because we don’t do too much," ani Lacson sa kanyang panayam sa CNN Philippines.
"It’s only now na nagkaroon ng awakening not only on the part of our leaders but other countries as well," dagdag pa ni Lacson patungkol sa mga statements of concern mula sa ibang bansa bunsod ng nangyari noong Nov. 16 kung saan hinarang at tinira ng water cannon ng Chinese vessels ang dalawang Philippine vessels na nagdadala ng supplies sa Ayungin shoal.
Sa kabila ng matapang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu, sinabi ni Lacson na dapat maging consistent ang ating bansa sa pamamagitan ng pag-aksyon.
"No matter how late, it’s still good the President issued that strong statement to awaken not just China but other stronger allies. I hope it continues. And I hope the President remains consistent in asserting our sovereignty and sovereign rights over our exclusive economic zone," saad ni Lacson.
Sa kabilang banda, binigyang diin muli ng senador ang pangangailangan sa balance of power sa rehiyon at pakikipag-alyansa sa mga bansa na may kapasidad na pang-militar.
Panahon na rin aniya na bisitahin muli ang Mutual Defense Treaty kasam ang US, lalo na’t ang joint vision statements nila kasama ang Pilipinas ay may patungkol sa West Philippine Sea at di lamang sa Asia-Pacific region.
Dagdag pa ni Lacson, ang kahandaan ng US para dagdagan ang mga pasilidad sa Pilipinas ay isang klarong mensahe sa China na hindi nila domain ang West Philippine Sea.
Kinuwestyon din ni Lacson ang umano’y “pakiusap” ng China kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na wag mag-deploy ng escorts para sa Philippine vessels na nagdadala ng supplies sa Ayungin shoal.
"If I were Sec. Lorenzana, I would do what I think would be in the best interest of our troops. I think it is within our rights to assert, tayo mag-decide kung kailangan may escort o wala,” paliwanag ni Lacson.
Kamakailan ay nagpunta si Lacson, na tumatayong pinuno ng Senate Defense committee, sa Pag-asa Island sa Kalayaan Group of Islands sa WPS. Sa kanyang flight papunta doon, nasaksihan niya mismo ang isang hamon o babala mula sa Chinese authorities sa mga piloto ng aircraft na kanilang sinasakyan. Pagdating din nila sa isla ay nakatanggap siya ng text message na nagsasabing "Welcome to China."
"No way. We should not accept that. It was totally unacceptable," ani Lacson kaugnay sa natanggap na banta mula sa Chinese vessels. Dagdag pa ng senador, mas nakaramdam siya ng galit kaysa sa takot nang maranasan nila ito.
*********
0 comments:
Post a Comment