Bagong Mukha ng 4Ps, Isinusulong ni Ping
Nobyembre 18, 2021 - Muli sa pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mahihirap patungo sa pagbibigay ng oportunidad sa kabuhayan at trabaho.
Iyan ang bagong mukha ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na planong ipatupad ni Senador Ping Lacson sa ilalim ng kanyang administrasyon sakaling palarin na mahalal siya bilang Pangulo sa 2022.
"We must invest in our human capital. It is high time that we reinvent the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) with the overarching principle that every Filipino should bridge the poverty line with a sustainable livelihood or employment opportunities," ani Lacson sa kanyang pagbisita sa Rotary Club of Manila.
"Hence, we will streamline and rationalize our social welfare programs to avoid redundancy and worse, wastage in the use of funds. All of our programs will have an overarching objective to drive our people back to work, not subsist on dole-outs all their lives," dagdag ni Lacson.
Isinusulong din ni Lacson ang "balik-trabaho" program para sa mga nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya, at para sa mga nais na magtrabaho muli ngunit walang oportunidad.
Naniniwala si Lacson na dapat magkaroon ng Cash-for-Work programs sa tulong ng public-private partnerships at bilang parte ng corporate social responsibility ng mga korporasyon bilang pagsusulong sa mga inisyatibo na magbigay ng cash payments kapalit ng disenteng trabaho.
"Our concept of progress— from making employment and business opportunities to creating a competitive market to be an economic powerhouse — is anchored on one goal: to empower and uplift the lives of our people," saad ni Lacson.
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng skills development trainings at pagbibigay ng mataas na honorarium para sa mga nais magtrabaho bilang barangay tanod, barangay health worker at contact tracers.
Binigyang diin din ni Lacson ang pangangailangan para sa isang paid internship program para sa mga mahihirap at kwalipikadong estudyante sa kolehiyo at junior at senior high school na interesadong maging intern sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong kumpanya.
"All of these will create a dignified sense of living and kickstart our economic activities," sabi ni Lacson.
"Employment deals will be the cornerstone of our social welfare agenda. Hahasain natin ang kakayahan at kaalaman ng ating mga mamamayan para maging kapakipakinabang na bahagi ng lipunan," paliwanag pa nito.
*********
0 comments:
Post a Comment