Wednesday, November 17, 2021

Ping, Isinusulong ang Geo-Tagging para Matigil na ang Ghost Infra Projects

Nobyembre 18, 2021 - Para matigil na ang ghost projects at iba pang uri ng korapsyon sa mga programang pang-imprastraktura ng gobyerno, plano ni Senador Ping Lacson na magpatupad ng isang geo-tagging system sa unang 100 araw ng kanyang termino sakaling manalo siya sa pagka-Pangulo sa 2022.


Ayon kay Lacson, ang pagkakaroon ng geo-tagging system ay magpapakita na seryoso siya sa kanyang zero-tolerance policy laban sa mga kahina-hinalang contractors at ang kanilang mga benefactors.


"Integrity in our infrastructure spending must be built on transparency and accountability. I will institute a geo-tagging system to provide an open data visualization platform containing all public infrastructure projects. Lahat ng proyekto — kahit ghost projects pa — makikita ng publiko," paliwanag ni Lacson na tumatayong presidential standard bearer ng Partido Reporma sa kanyang pagdalo sa Philippine Chamber of Commerce and Industry's 47th Philippine Business Conference and Expo.


"We will impose zero tolerance to erring contractors and their benefactors," dagdag nito.


Binigyang diin ni Lacson na mahalaga ang paggastos sa imprastraktura ngunit dapat na makita ng taumbayan kung saan napupunta ang pondong nakalaan dito sa pamamagitan ng kongrektong resulta tulad ng pagluwag sa daloy ng trapiko, pagbaba sa pamasahe at ang pagiging konektado ng mga siyudad at probinsya sa bansa.


Importante aniya na maipagpatuloy ang pagpondo sa mga priority projects sa pamamagitan ng pagkakaroon ng time-bound targets. Kabilang sa nais niyang bigyang prayoridad ang mga transport systems para sa food supply chain, inter-island connectivity, regional food terminals at health facilities.


Isa pa sa nais ni Lacson na ipatupad ay ang paggawa ng climate-resilient infrastructure, at ang pagpapatigil sa mga nakagawiang "preventive maintenance" kung saan dini-demolish ang maaayos na kalsada


Ang mga proyektong ito ay magiging automated sa oras na maipatupad ng administrasyong Lacson ang isang National Broadband Program para pag-isahin at i-automate ang lahat ng government transactions para sa mas pinabilis na transaksyon, mas pinataas na pagkolekta ng buwis, at pagsugpo sa korapsyon sa lahat ng antas ng burukrasya.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post