Thursday, March 10, 2022

Tinaguriang 'EDSA Hero', Sinuportahan ang Babala ni Ping Laban sa 'Coalition Government'


Marso 11, 2022 - Isang retiradong opisyal ng Philippine Air Force na may malaking papel sa 1986 EDSA Revolution ang sumang-ayon sa pahayag ni Senador Ping Lacson laban sa "coalition government" kasama ang Communist Party of the Philippines.


Nagpahayag ng babala si retired Air Force Col. Hector Tarrazona sa kanyang sulat kay 1Sambayan convenor Antonio Carpio, matapos niyang makita ang mga kilalang komunista sa nasabing koalisyon. Aniya, ang tanging mithiin lamang ng mga ito ay ang pabagsakin ang gobyerno.


"While I was very hopeful to see the coalition of different political groups, I was greatly disappointed to see known communists, whose ultimate goal is to overthrow the government, in the coalition," ani Tarrazona sa kanyang sulat kay Carpio matapos sumama sa isang Zoom webinar na inorganisa ng 1Sambayan.


Miyembro si Tarrazona ng Philippine Military Academy Class of 1968 na humikayat sa 15th Strike Wing na suportahan ang EDSA Revolution noong 1986. Para sa kanya, walang puwang ang mga komunista na sumali sa isang koalisyon.


Pinabulaanan ng sulat ni Tarrazona ang pahayag ni dating senador Antonio Trillanes IV na wala siyang nakitang komunista sa campaign team ni Robredo. Kabilang si Trillanes sa senatorial slate ni Robredo.


Sa kanyang sulat, sinabi ni Tarrazona na ang rebelyon, na halos limang dekada na, ang kumitil sa buhay ng 60,000 sundalo at mga sibilyan.


"You may have pleased a few thousand communists but you will be losing the support of millions among the AFP and PNP personnel and their families, businessmen, farmers, and other Filipinos who have been victims of their terrorism, atrocities, and revolutionary taxation," saad nito sa sulat niya kay Carpio.


"I hope you would correct this big political blunder," dagdag pa ni Tarrazona.


Nauna nang ipinahiwatig ni Lacson ang kanyang pagkabahala sa posibleng "infiltration" ng mga myembro ng CPP, New People's Army at National Democratic Front sa kampanya ni Robredo base sa mga impormasyong ibinigay ng dating miyembro nito na si Jeffrey "Ka Eric" Celiz. Ang mga pahayag ni Celiz ay tugma sa impormasyong nakalap ng intel ng senador.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post