Monday, November 8, 2021

 Ping, Binawi ang Panukalang Death Penalty

November 9, 2021 - Binawi ni Senador Ping Lacson ang panukalang batas nito na nagsusulong ng parusang kamatayan para sa mga karuma-dumal na krimen.


Sa isang sulat kay Senate Secretary Atty. Myra Villarica, hiniling ni Lacson na huwag nang isama sa deliberasyon ang kanyang Senate Bill 27.




Noong nakaraang linggo, napag-desisyunan ng senador na bawiin ang kanyang pagsuporta sa death penalty dahil mas mabuti na aniya ang mabuhay ang isang kriminal kaysa kitilin ang buhay ng isang inosenteng tao na biktima ng maling paghatol.


"Mas mainam na ang guilty ikulong habang buhay sa halip na inosente ma-execute dahil sa pagkakamali," sabi ni Lacson.


Isinulong naman ni Lacson ang parusang habambuhay na pagkakakulong at reporma sa pagpaparusa sa mga kriminal. Sinuportahan din ni Lacson ang suhestyon ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III's na ikulong ang mga drug lord sa isang "super max" penitentiary kung saan tatanggalan sila ng anumang uri ng pakikipag-komunikasyon sa mga nasa labas ng kulungan.


Dahil dito, umani ng papuri sina Lacson at si Sotto mula sa Commission on Human Rights at Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa kanilang pag-tindig sa isyu.


*********




0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post