Tuesday, November 23, 2021

Karagdagang Hardship Allowance, Pagtatayo ng High School sa Pag-Asa Island, Isinulong ni Ping


Nobyembre 23, 2021 - Isinulong ni Senador Ping Lacson nitong Lunes ang pagdaragdag ng pasilidad at mga guro sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea matapos niyang malaman ang kalagayan ng mga estudyante sa lugar sa kanyang pagbisita kamakailan.


Itinutulak din ng senador ang karagdagang benepisyo para sa mga guro doon dahil iisa lamang ang elementary school sa lugar at dalawa lamang ang guro para sa 34 na estudyante na kakaunti lamang ang pag-asa na makatuntong ng high school.


"I think this is a cause for concern. After Grade 6, wala na, tapos na, wala nang kinabukasan ang bata," ani Lacson sa deliberasyon ng Senado sa badyet ng Department of Education para sa 2022.


Aniya, ang pinakamalapit na high school ay nasa Puerto Princesa City sa Palawan pa, at aabutin ng higit isang araw para mapuntahan.


Panukala ni Lacson na magtayo ang gobyerno sa isla ng isang high school building o lagyan ng high school facilities sa kasalukuyang building at magdagdag ng isang multigrade teacher na maaaring magturo mula kindergarten hanggang high school.


Dagdag pa rito, siniguro rin ni Lacson na mabibigyan ng DepEd ng Special Hardship Allowance (SHA) ang dalawang guro sa Pagasa Island, na maaaring kunin mula sa badyet ng Last Mile Schools program.


Dahil hindi pinapayagan ng DepEd circular ang isang guro na makatanggap ng SHA para sa dalawang kategorya, iginiit ni Lacson na ang mga guro sa isla ay nakakatanggap lamang ng isang hardship allowance kada taon sa kabila ng samu't saring paghihirap na dinadanas nila sa pagtuturo at pagpunta sa isla pati na rin ang kakulangan sa pasilidad sa eskwelahan.


Kwalipikado aniya ang dalawang guro sa dalawang kategorya para maging eligible sa SHA - kung nasa isang hardship post at kung sila ay multi-grade teachers.


Matagal nang isinusulong ni Lacson ang "Edukasyon Plus" program para matigil na ang kahirapan na nararanasan ng marami sa pamilyang Filipino. Layon ng programa na maipagpatuloy ng kabataan ang kanilang pag-aaral at mabigyan sila ng pagkakataon na maka-ahon sa kahirapan.


Sa ilalim ng "Edukasyon Plus", mabibigyan ng free tuition at monthly allowance na P5,000 ang mga kwalipikadong senior high school students sa kasagsagan ng kanilang government internship program.


Kamakailan ay isinulong din ni Lacson ang emergency employment program na magbibigay ng paid internships para sa kabataan sa pampubliko at pribadong sektor. Layon ng programa na magamit ng kabataang Pinoy ang kanilang kakayahan at mahasa pa ang kanilang kasanayan.


*****



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post