Thursday, November 25, 2021

Ping: National ID Rollout, 'Made in the Philippines' Drive ang Tutugon sa Kawalan ng Trabaho, Inflation


Nobyembre 25, 2021-Ang mas pinabilis at mas maayos na rollout ng National ID at "Made in the Philippines" drive ang tutugon sa kawalan ng trabaho at inflation sa ilalim ng administrasyong Lacson sakaling palarin na mahalal sa 2022.

Sinabi ni Lacson sa lingguhang LACSON-SOTTO Meet the Press forum na ang National ID ay makakatulong sa gobyerno gumawa ng database para i-match ang kasanayan ng isang manggagawa sa mga job opportunities

"Kailangan madaliin para ang database natin malinaw at kitang kita sa skills ng tao para match mo sa job opportunities para mabawasan rate of unemployment," sabi ni Lacson.

Dagdag pa ng senador, ang job-skills matching ang tutulong sa mga manggagawq na makakuha ng mas maayos na oportunidad sa trabaho at sahod na naaangkop sa kanilang kasanayan.

Si Lacson ang may akda at sponsor ng panukalang National ID na naisabatas noong 2018.

Sa kabilang banda, isusulong ni Lacson ang isang "Made in the Philippines" drive na magreresulta sa shift mula sa import-dependent mentality patungo sa mentalidad na export-oriented.

"Ang import-driven mentality dapat bawasan natin at pa-igtingin natin ang MSMEs para maging export-oriented tayo. Ang mentality natin from import-dependent country gawin nating export-oriented tayo. Tangkilikin natin 'Made in the Philippines' products," paliwanag ni Lacson.

*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post