Monday, November 15, 2021

Ping: 'Kamay na Bakal' na Ayon pa Rin sa Batas, Paiiralin Laban sa Kriminalidad

November 15, 2021 - Sakaling mahalal bilang Pangulo sa 2022, nangako si Senador Ping Lacson nitong Lunes na "kamay na bakal" ang kanyang paiiralin sa pagsugpo sa kriminalidad, ngunit naaayon pa rin sa batas.


Para kay Lacson na namuno sa Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001, kailangang mabuwag ang mga kriminal at abusadong pulis na sangkot sa mga ilegal na aktibidad.


"Against criminals, yes - but in accordance with the rule of law. We will always observe the rule of law," ani Lacson sa kanyang panayam sa ANC. Si Lacson ang tumatayong standard bearer ng Partido Reporma.


Aniya, kaakibat nito ang pagdidispilina sa law enforcers para maiwasan ang pag-aabuso nito sa kanilang posisyon. Sa kanyang pamumuno sa PNP, nilinis ni Lacson ang hanay ng kapulisan at tinanggal ang "kotong cops" sa pamamagitan ng matinong paglilingkod.


Para kay Lacson, maaari lamang pumatay ang law enforcers ng mga kriminal kung ito ay para madepensahan ang sarili at bilang pagtupad sa kanilang tungkulin.


Sa ilalim ng administrasyong Lacson, hindi sasantuhin ang mga pulis na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga. Aniya, ito ang naging pagkukulang ng administrasyong Duterte sa kanilang giyera laban sa ilegal na droga.


"It started on the wrong foot. If you tolerate something like that it grows bigger and the problem becomes more serious. Dapat ma-nip in the bud make them more answerable," paliwanag ni Lacson.


Sa kabila nito, sinabi ni Lacson na hindi rin naman magiging patas kung tatargetin lamang ang law enforcers sa isang "propaganda war" katulad ng naranasan niya at ng kanyang mga tauhan noong 1995 Kuratong Baleleng case, na kalaunan ay ibinasura ng Korte Suprema.


*********


0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post