Tuesday, November 16, 2021

Ping, Kinwestyon ang P5-B Para sa Farm-to-Market Roads Gamit Pondo ng Bayanihan 2

Nobyembre 16, 2021 - Anong kinalaman ng farm-to-market roads sa pag-responde ng gobyerno sa pandemya?


Yan ang tanong ng standard bearer ng Partido Reporma na si Senador Ping Lacson nitong Lunes matapos nitong mapag-alaman na ang P5-bilyong pondo na dapat sana ay para sa Covid-19 response ay ginamit pala sa pagpopondo ng implementasyon ng farm-to-market road projects sa ilalim ng Agriculture Stimulus Package ng Bayanihan 2.


"We noticed releases under Bayanihan 2 focused on farm-to-market roads worth P5 billion. Can you explain the connection between these farm-to-market road releases and the government's Covid response? Parang hindi ko ma-connect," ani Lacson sa kanyang interpelasyon sa badyet ng DA.


Sagot naman ni Senador Cynthia Villar na sponsor ng badyet ng ahensya, marahil ito ay para maisaayos ang logistics, na tinawanan ng ilan sa mga dumalo sa session hall.


"We laugh about this but this is no joking matter. This is the national budget of the Republic of the Philippines," ani Lacson.


Kinuwestyon din ni Lacson ang 17 porsyentong pagtaas para sa Agri-Machinery, Equipment, Facilities, and Infrastructure program ng DA mula P11.3 bilyon na naging P13.32 bilyon -

kung saan ang bulto ng pagtaas ay mapupunta sa farm-to-market roads mula P4.98 bilyon sa ilalim ng National Expenditure Program na tumaas at naging P6.95 bilyon sa ilalim ng bersyon ng Mababang Kapulungan.


Nang tinanong ni Lacson ang tungkol sa naturang isyu, itinanggi ng DA na may alam sila sa mga detalye ng proyekto.


Dahil dito, binigyang diin ni Lacson na talamak na problema ng mga ahensya tulad ng DA na makatanggap na karagdagang pondo para sa farm-to-market roads nang hindi sila nakokonsulta ukol dito.


"There are other priorities when they prepared the budget to answer the budget call. They were tedious in preparing the budget. Now, all of a sudden, at the snap of a finger, nawala ang budget, nalipat kung saan," sabi ng senador.


Samantala, muling nanawagan si Lacson para mabigyan ng sapat na pondo ang research and development, na sinusuportahan din ni DA Secretary William Dar.


*********




0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post