Thursday, December 2, 2021

'Very Good'! Ping, Sang-ayon sa Plano ng Google na I-'Ban' ang Political Ads

Disyembre 2, 2021 - Malugod ang naging pagtanggap ni Senador Ping Lacson sa plano ng Google na huwag nang pahintulutan ang political advertising sa kanilang platform sa kasagsagan ng eleksyon sa Mayo 2022.


Para kay Lacson na tumatayong presidential standard-bearer ng Partido Reporma, mapipigilan nito ang pagkalat ng online trolls ng mga maling impormasyon sa internet.


"Very good. Ang trolls nag-a-abound," ani Lacson sa lingguhang LACSON-SOTTO media forum, nang tinanong siya hinggil sa naturang plano ng Google na i-ban ang political advertising mula Feb. 8 hanggang May 9, 2022.


Aniya, panahon na para magkaroon ng responsibilidad ang mga social media companies sa paglilinis sa mga troll na nagpapakalat ng fake news laban sa mga kandidato.


Pagbabahagi nina Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People's Coalition, may panukalang batas sa Australia na ibulgar ang pagkakakilanlan ng mga online trolls sa pamamagitan ng pagmamandato sa mga kumpanya tulad ng Faceook at Twitter na tukuyin ang mga ito.


Sa kabilang banda, sinabi ng tambalang Lacson-Sotto na ipagpapatuloy nila ang kanilang kampanya na naka-angkla sa pagtataas ng lebel ng diskurso.


Ayon kay Lacson, mga isyu ang kanilang magiging pokus sa halip na personalidad at hindi sila sasali sa gutter politics o paninira sa ibang mga kandidato.


Pinabulaanan din niya ang sinasabi ng iba na sila ay "playing safe" dahil sa desisyon na wag siraan ang mga kalaban sa pulitika. Aniya, patuloy silang magbibigay ng puna sa mga gumagawa ng mali hangga't may sapat na basehan.


"We stick to issues. We have never 'played safe' in our public service career. We always take the risk no matter who gets hurt. Sa budget scrutiny pag nakita ko ay abuso sa insertions and all ganoon pa rin," giit ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post