Ping: Pagiging Pangulo, Isang Malaking Responsiblidad, "Calling"
Disyembre 12, 2021 - Hindi "obsession" kundi isang "calling" at responsibilidad sa taumbayan ang pagiging Pangulo.
Ito ang binigyang diin ni Senador Ping Lacson nitong Linggo sa kanyang Twitter post. Aniya, ang kandidato na may obsession sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno ay maaaring manira at magsinungaling para lamang mahalal sa pwesto.
"If you make the presidency an obsession, you will lie, deceive, destroy others, even make a fool of yourself to win it. Best to treat is as a calling, a responsibility and an obligation to the people," ani Lacson nitong Linggo ng umaga bago sya tumungo sa Catarman, Nortern Samar para sa isang Online Kumustahan kasama si Senate President Vicente "Tito" Sotto III's Online Kumustahan.
Tumatakbo si Lacson sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma habang si Sotto ay tumatakbo sa pagka Bise Presidente sa ilalim ng Nationalist People's Coalition.
Para kay Lacson, sagrado ang pagiging Pangulo. Mas makakatulong aniya sa kahit anong administrasyon ang kumonsulta sa mga eksperto para sa anumang desisyon na ikabubuti ng taumbayan.
Dagdag ni Lacson, ito ang dahilan kung bakit ipinepresenta nila ni Sotto ang kanilang plataporma sa publiko sa halip na makisali sa "entertainment politics," at manira ng ibang kandidato sa pulitika.
*********
0 comments:
Post a Comment