Ping: Nasa Kamay ng Botante ang Pagpili ng Nararapat na Lider
Disyembre 10, 2021 - Bago mamuno ang susunod na lider ng bansa, kailangan muna syang mahalal ng mga botante.
Ito ang binigyang diin ni Senador Ping Lacson kasabay ng pahayag na nahaharap ang susunod na administrasyon sa katakut-takot na P13.42 trilyong utang.
"Each and every living Filipino, rich or poor, young or old will pay for it. The heavy burden falls on the country’s next leaders. The responsibility is on the voters to choose those leaders. Think of the next generation. Be wise. Be responsible," ani Lacson sa kanyang Twitter account.
Nitong nakaraan, sinabi ni Lacson na ang pambansang utang ang isa sa mga pinakamalaking suliranin ng susunod na lider, kasama nito ang epekto ng pandemya sa kalusugan at ekonomiya, kawalan ng trabaho, korapsyon at ang isyu sa West Philippine Sea.
Para kay Lacson, na tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, may mga plano na syang nailatag para tugunan ang mga problemang ito sa pamamagitan ng kanyang tapat na paglilingkod na naka-angkla sa disiplina at "leadership by example."
Siniguro rin niya na magpapatupad sya ng budget reforms para masiguro na nagagastos nang maayos ang kaban ng bayan at ang pondo na nararapat mapunta sa LGUs ay magagamit para maipatupad ang kanilang programa, aktibidad at proyekto.
Sa paglunsad ng kandidatura ng Lacson-Sotto tandem, binigyang diin nila na ang kanilang kampanya ay tututok sa pagpepresenta ng mga solusyon sa problemang kinakaharap ng bansa.
**********
0 comments:
Post a Comment