Tuesday, December 7, 2021

 Prinsipyo ni Ping sa pag-rescue ng KFR victim: Dignidad mas mahalaga kaysa pabuya


Sa haba ng panahon ng kanyang pagseserbisyo sa publiko, maraming beses nang sinubok ang karakter ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson lalo sa mga natanggap niyang alok na pabuya dahil sa pagiging mahusay na pulis.


Ito ang binahagi ni Lacson sa kanyang pakikipagdayalogo sa mga tsuper at operator ng transport sector sa Quezon City.

Aniya, maraming negosyante na ang nag-alok sa kanya ng reward money dahil sa pagliligtas ng mga biktima ng kidnap-for-ransom (KFR) na anak ng mga business tycoon.

Kabilang dito ang pagkidnap kay Robina Gokongwei-Pe, panganay na anak ng yumaong businessman na si John Gokongwei, Jr.

Nangyari ito noong 1981 habang si Lacson ang namumuno sa Intelligence Service Group of the Philippine Constabulary Metropolitan Command (PC-MetroCom) at may ranggo na lieutenant colonel.

Nasa P10 milyon umano ang hinihingi ng mga kidnaper para pakawalan ang biktima, ngunit hindi ito natuloy dahil sa payo ni Lacson sa negosyante. Nag-alok din ng P500,000 si Gokongwei sa mga pulis para mailigtas ang anak.

Pero ayon kay Lacson, “Ang sabi ko sa kanya: ‘John, ang importante mailigtas natin si Robina dahil armado ‘yung mga kumuha sa kanya.’ Natapos, na-rescue po namin, at nakuha namin ‘yung mga kidnapper. Ako nga ‘yung sumipa ng pinto e.”

Matapos nito, mariin pa ring tinanggihan ni Lacson ang pabuya. Aniya, “We only did our duty. Hindi kailangan ng reward. Hindi kailangan ang mga pabuya.”

“Ito ‘yung aking patakaran sa opisina: Kung nagkataong gusgusin ‘yung pupunta sa amin, dudulog sa aming opisina at hihingi ng tulong, baka ‘yung aking mga tauhan sabihin: ‘walang ibibigay na reward ito. ‘Wag natin tulungan.’ At mula noon, talagang mula’t sapul, every time na meron kaming ma-re-rescue… Laging ang sagot ko: ‘We only did our duty,’” sabi pa ni Lacson.

Ang pangyayari umanong ito kasama pa ng mga aral mula sa kanyang magulang ang nagbigay-gabay kay Lacson para panatilihin ang dignidad at paghusayan ang pagganap sa tungkulin nang hindi naghihintay ng pabuya gayundin ang pagsugpo sa kotong o katiwalian.

*********


0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post