Wednesday, December 15, 2021

3 Solusyon Laban sa Agricultural Smuggling, Minungkahi ni Ping

Full automation ng mga operasyon ng Customs, pagpapanagot sa mga empleyado na sangkot sa smuggling, at tapat na pamumuno.

Para kay Senador Ping Lacson, ito ang tatlong solusyon na makakapagpatigil sa talamak na pagpupuslit ng produktong pang agrikultura at korapsyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

"First, it is time to fully automate our Customs operations just like most, if not all, of our trading partner countries. Everything, from the filing of application for accreditation all the way to payment of taxes and duties, should be done online. This will eliminate human intervention every step of the way. Tingnan ko na lang kung makapang-kurakot pa ang mga tiwaling kawani nila," ani Lacson.

Pangalawang mahalagang solusyon aniya ang pagpapanagot sa mga sangkot na empleyado ng Customs at pagpapatupad ng isang pamantayan sa halip na double standard.

Ngunit pinaka-importante sa lahat ang pagkakaroon ng leadership by example na ipinamalas ni Lacson sa kanyang karera sa pulitika, paggawa ng batas, at law enforcement.

"This applies to all agencies of government, by the way," paliwanag ni Lacson hinggil sa kanyang panukalang solusyon na kanyang ipatutupad sakaling palarin na mahalal sa May 2022.

Nitong Martes, sinita ni Lacson ang pagiging talamak ng agricultural smuggling sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong batas para matigil na ito.

Kinuwestyon din nya ang Bureau of Customs sa pagdinig ng Senado kung bakit sila naghain ng 75 na kaso sa kabila ng kanilang report na nakapaghuli sila ng daan-daang aktibidad ng smuggling sa kanilang mga operasyon. 

"Wala pang nakukulong," ani Lacson sa kanyang panayam sa Radyo 5.

"Importante na mag-automate tayo. May batas tayo, ang Customs Modernization and Tariff Act. Computerized tayo pero ayaw mag-automate," dagdag ng senador.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Lacson na dapat mailagay sa posisyon ang mga tamang tao sa kada ahensya. Binigyang halimbawa ng senador ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), na isang health insurance agency na dapat pamunuan aniya ng isang indibidwal na may alam sa finance ngunit ang ex-officio chairman nito ay isang doktor.

"Sa skills matching, may diperensya tayo kung sino ang ina-appoint. Hindi tugma ang position sa skills," giit ni Lacson.

Sa kabilang banda, nanawagan din si Lacson na dapat gamitin ng Bureau of Customs ang kanilang intelligence funds para mahuli ang mga sangkot sa  agricultural smuggling. Nangako rin ang senador na hindi nila pababayaan na walang managot sa isyung ito.  "Institutional and organizational ang problema," dagdag ng senador.

**********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post