Sunday, December 12, 2021

Ping sa PNP: Aksyunan ang Isyu sa Pagpatay sa Peryodista, ASAP

Disyembre 12, 2021 (CATARMAN, Northern Samar) - "One life lost is one life too many."


Nanawagan si Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson sa Philippine National Police na aksyunan kaagad ang isyu ng pagpatay sa peryodista na si Jesus "Jess" Malabanan sa Calbayog City, Samar noong Dec. 8.


Para kay Lacson na namuno sa PNP mula 1999 hanggang 2001, polisiya ng ahensya na pigilan ang krimen - o kung hindi man, resolbahin agad ito.


"If you cannot prevent, at least solve mo ang hindi mo na-prevent," ani Lacson sa isang press briefing.


Sang-ayon si Lacson sa pagbuo ng pamunuan ng PNP ng task group para maresolba ang pagpatay kay Malabanan.


"Ang problema, kailangan with dispatch ma-solve ang kaso ni Malabanan," ani Lacson


Binisita ni Lacson ang probinsya nitong Linggo kasama ang kanyang Vice Presidential candidate na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People's Coalition. Si Lacson ay tumatakbo naman sa ilalim ng Partido Reporma.


Kasama nila sa probinsya ang Partido Reporma senatorial bets Minguita Padilla, Guillermo Eleazar, at Monsour del Rosario.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post