Thursday, December 2, 2021

 Ping, Ikinagalit ang Implikasyon ng Pambu-Bully ng China sa Ating Food Security

Disyembre 2, 2021 - Nakakagalit at di katanggap-tanggap.


Ito ang naging sentimyento ni Senador Ping Lacson hinggil sa implikasyon ng patuloy na pambu-bully ng China sa West Philippine Sea na may direktang epekto sa ating food security.


Kabilang sa mga implikasyon na ito ang pag-i-import ng galunggong mula sa China, na karamihan naman ay galing din sa ating exclusive economic zone.


"Bukod sa national security, food security concern ito kasi dikit sa sikmura ng kababayan natin yan," ani Lacson sa lingguhang LACSON-SOTTO media forum.


Aniya, dahil sa pananakot at harassment ng China, nawalan ng kakayahan ang ating mga mangingisda na makapangisda sa sarili nating katubigan.


Base sa Philippine Statistics Authority, aabot sa 300,000 metric tons o 300 milyong kilo ng isda ang nakukuha mula sa WPS sa loob ng isang taon.


Kung kumokonsumo ng 40 na kilong isda ang kada pamilyang Pilipino sa kada taon, umaabot sa 7.5 milyong pamilya ang pinagkaitan ng isda sa hapag-kainan sa isang taon.


Sa isang virtual Kapihan na dinaluhan ng mga miyembro ng shipping industry nito ring Huwebes, sinabi ni Lacson na nakakagalit isipin na kailangan pang mag-angkat ng Pilipinas ng galunggong mula sa China.


"I could not imagine for the life of me that we will import galunggong from China. It is revolting that the galunggong are imported from China," giit ni Lacson.


"It’s a P33-billion-a-year livelihood for our fishermen. Because of the incursions of Chinese vessels, we are denied 300,000 metric tons of fish... If you divide 30 million kilos of fish by 40 kilos, that would translate to 7.5 million Filipino families bumibili from other sources na isda. That’s unacceptable," dagdag pa ni Lacson.


Nitong nakaraang Nobyembre, naghain si Lacson ng Senate Resolution 954 na kumukundena sa patuloy na presensya at pananakot ng Chinese vessels sa WPS. Ito ay bilang suporta na rin sa Senate Bill 2289 na tumutukoy sa ating maritime areas. Co-authors ng panukalang ito sina Lacson at Senate President Vicente "Tito" Sotto III.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post