Integridad at Tapat na Paglilingkod: Paano Naging Tagasuporta ni Ping ang Isang Dating Kaaway
Kaaway dati, taga suporta na ngayon.
Ganito inilarawan ni dating Interior Secretary Ronaldo "Ronnie" Puno ang kanyang dahilan kung bakit niya napag desisyunang suportahan at pamahalaan ang kampanya ni Senador Ping Lacson.
"Si Ping Lacson, buong buhay ko sa gobyerno nang magkasama kami, magkaaway kami... Ang haba ng history namin, parang dalawang magkaklase sa isang eskwelahan na nag-a-aspire maging No. 1, di ba lagi silang magkaaway?" kwento ni Puno na ngayon ay isa sa mga punong abala sa presidential campaign ni Lacson.
Noong administrasyong Estrada, naglingkod bilang hepe ng Philippine National Police si Lacson habang si Puno ay nagsilbing Kalihim ng Department of Interior and Local Government. Ang PNP ay nasa ilalim ng pamamahala ng DILG.
Pag-aalala ni Puno, kabilang sa mga pinag-awayan nila ay ang utos ni Estrada na sugpuin ang ilegal na pasugalan pero huwag idamay ang ilang mga gambling lords. Sa kabila nito, sinikap ni Lacson na buwagin ang illegal gambling nang walang sinasanto sa pamamagitan ng kanyang no-take policy at tapat na pamumuno.
Kwento pa ni Puno, umabot pa sa demandahan at pag-isyu ng arrest orders ang naging working relationship nya kay Lacson.
Ngunit kahit kailan aniya ay di nawala ang respeto nya kay Lacson na itinuring nya na pinakamalinis, dedikado, seryoso at tapat na lingkod bayan.
Dahil dito, hindi na sya nag atubili na tumulong sa kampanya ni Lacson.
"Sa tagal ko sa gobyerno, 25 years old nasa gobyerno na ako, wala akong nakilala - wala, wala - na kasing-linis, kasing-tino, kasing-dedicated, kasing-sincere at kasing-honest as Ping Lacson," saad ni Puno.
"Ito yung pinakamagaling na pagkakaibigan na nagmula sa away. Walang rason bakit kami magkaibigan. Walang rason bakit nandito ako ngayon," dagdag ng dating Kalihim.
Para kay Puno, kasama sa kanyang tunguhin ang patunayang mali ang mga di naniniwala sa kakayahan ni Lacson base lamang sa mga survey.
"Sa survey, nalalagay tayo sa baba. Pero ang nasa baba, walang pupuntahan kundi pataas," saad ni Puno.
"Ang sabi nila nakagawa daw ako ng tatlong Presidente. Sana sinabi nila apat: Ping Lacson," dagdag nito.
*********
0 comments:
Post a Comment