Monday, December 6, 2021

Ping, May Hamon Para sa Susunod na Lider ng Bansa

Disyembre 6, 2021 - Sinuman ang makakapasa sa pagsubok sa karakter sa harap ng pera at kapangyarihan ang nararapat na mamuno sa taumbayan.


Binigyang diin ni Senador Ping Lacson nitong Lunes ang pagkakaroon ng lider na may integridad na ipinapakita di lamang sa salita kundi sa kanyang mga gawa bilang pinuno.


"The ultimate test of a person’s character: give him power and offer him money. If he passes this test, he is the 'leader we need,'" ani Lacson sa kanyang Twitter account.


Sa kanyang karera sa law enforcement, masasabi na ilang beses nakapasa si Lacson sa mga pagkakataon na sinubok ang kanyang karakter sa pera at kapangyarihan. Maraming beses siyang tumanggi sa mga pabuya mula sa pamilya ng mga biktima ng kidnapping na kanyang nasagip noon siya pa ay nasa Philippine Constabulary. Kabilang sa mga biktimang ito ay sina Robina Gokongwei at ang siyam na taong gulang na bata mula sa isang prominenteng pamilya sa Cebu.


Noong naatasan siya na pamunuan ang Philippine National Police sa Laguna noong 1992, tinanggihan ni Lacson ang mga panunuhol na umaabot sa P1.2 milyon hanggang P1.8 milyon buwan-buwan kapalit ng kanyang pananahimik sa mga ilegal na pasugalan.


Hinamon din nya ang kanyang mga tauhan na itali sya at barilin sa flagpole ng provincial command. "Nariyan ang flagpole. Itali nyo ako riyan at barilin nyo ako," pag-alala ni Lacson.


Hindi lamang nanalo si Lacson sa hamong ito kundi pati na rin sa kanyang adbokasiya na buwagin ang kotong at maipatupad ang "no-take" policy sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang Philippine National Police chief mula 1999 hanggang 2001.


Inatasan din nya ang kanyang directorial staff na tanggihan ang mga alok na pera para sa procurement ng PNP supplies mula sa mga contractors na nakikipag-transaksyoj sa PNP. Tinanggihan din nya ang alok na P100 milyon kada taon na “commander’s reserve" (a.k.a. discretionary fund) para sa Chief PNP.


Ito at ang kanyang tapat na pamumuno bilang top cop ang umani ng tiwala mula sa publiko kung saan nakakuha ng 64-percent approval rating ang PNP at 73-percent approval rating para kay Lacson bilang hepe ng kapulisan.


Bilang senador, mariing tinutulan ni Lacson ang anumang uri ng korapsyon at tinanggihan ang kanyang P200 milyong pork barrel kada taon at mga alok na pera mula sa lobby groups.


Kasalukuyang tumatakbo si Lacson sa pagka-Presidente sa ilalim ng Partido Reporma.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post