Maging si brodkaster Raffy Tulfo ay bilib sa istilo ng pamumuno ni Partido Reporma at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na napatunayan niyang tunay na nakapagtanggal ng kotong sa kapulisan.
“Noong maging PNP chief po si Senator Lacson, sobra pong paghanga ko sa kanya—hanggang ngayon, of course, hangang-hanga ako sa kanya,” pahayag ni Tulfo sa mga tsuper at lider ng transport group at mga lokal na opisyal sa Tanza, Cavite.
“At that time nag-uumpisa pa lamang po ang aking career sa public service bilang broadcaster. Hindi ko makakalimutan ‘to. Nagbigay po siya ng ultimatum, 48 hours ata ‘yun, na lahat ng mga carnap vehicles na ginagamit ng mga pulis kailangan maisoli na, no questions asked,” sabi ni Tulfo.
Ayon pa sa broadkaster na kilalang matapang na pumupuna sa mga tiwaling kawani ng gobyerno, madalas siyang nakakatanggap ng reklamo mula sa mga may-ari ng sasakyan na na na-carnap at nabubuking na ginagamit pala ng ilang miyembro ng Traffic Management Group o Highway Patrol Group.
“Akalain niyo pulis pa mismo ang nagmamaneho ng carnapped vehicle na na-recover. So, in short, matapos makapagbigay si General Lacson ng taning sa mga pulis para isoli ‘yung mga ginagamit nilang mga carnap vehicle, ‘yung Camp Crame po napuno ng mga sasakyan—motor, kotse, truck—lahat na,” lahad ni Tulfo na tumaktabong senador at guest candidate ng Partido Reporma.
“Doon ko po nakita si Senator Lacson na mataas ang pagrespeto sa kanya ng kapulisan, and true enough, he walked the talk dahil nasundan pa po ‘yun noong magdeklara siya sa kanyang mga pulis ‘yung tinatawag na ‘no take policy,’ at ang nakinabang po doon sa ‘no take policy’ ni Senator Ping Lacson at no-kotong ay kayo pong nasa transport group,” aniya.
Dahil dito, hindi umano nagdalawang-isip si Tulfo na mapabilang sa hanay ng mga senatorial candidate ni Lacson at running mate niya na si Senate President “Tito” Sotto III.
“Napakapalad ko po and I’m also very humbled na mapabilang bilang guest candidate po ng Partido Reporma nina Senator Ping Lacson at ni Tito Sen,” sabi pa ni Tulfo.
*********
0 comments:
Post a Comment