Monday, December 6, 2021

Ping: 3 Banta sa Seguridad ang Bunsod ng Panggigipit ng China sa WPS

Disyembre 6, 2021 - Hindi lang isa o dalawa kundi tatlo: national security, food security, at economic security.


Ito ang mga aspeto ng seguridad sa bansa na naaapektuhan ng patuloy na panghihimasok ng China sa ating territorial waters sa West Philippines Sea, ayon kay Senador Ping Lacson nitong Lunes.


"More often than not, we only think of national security when we hear of China’s encroachment into our territorial waters. It’s actually much more than that... It has a great effect not only on our national security because that much is obvious - but our food security and our economic security are greatly affected," ani Lacson sa pagdinig sa panukalang batas hinggil sa isyu ng WPS.


Ayon kay Lacson na pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security, kailangan ng mas aktibong hakbang na gawin ang gobyerno para mahikayat ang international community na i-pressure ang China na sumunod sa arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas.


Muli rin niyang isinulong ang pagkakaroon ng balance of power sa rehiyon kasama ang mga kaalyado nating bansa na may lakas militar tulad ng United States, Australia at European Union.


"One course of action we can take is to appeal to the international community to exert whatever political pressure they can have on China to comply with the ruling. It cannot be sought by war especially in this day and age of modern technological warfare where nobody wins," aniya.


Kabilang sa mga pinag usapan sa pagdinig ang resolusyon ni Lacson na Senate Resolution 954 na nagkukundena sa panghihimasok ng China sa ating teritoryo at exclusive economic zone sa WPS; at Senate Bill 2289 kung saan sya rin ay co-author kasama ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na tumutukoy sa maritime areas ng Pilipinas.


Ibinahagi ni Lacson na ang fish production sa bansa na umaabot sa 4.36 million tons ay nagkakahalaga ng P265 billion noong 2018, habang ang 1.9 million na mangingisda ay nakadepende sa kabuhayang ito. Ang panginngisda ay umaabot sa halagang P181.1 bilyon o 29.1 porsyento ng ocean-based activities Gross Value Added noong 2018.


Ang WPS din ang nagsusuplay ng 27 porsyento ng pangkalahatang marine capture fisheries production ng bansa, kung saan ang Scarborough Shoal ay nagdadala ng 15 hanggang 20 metric tons isda kada taon. Ang Kalayaan Island Group naman ay nakakapaglabas ng 62,000 hanggang 91,000 metric tons ng isda per square kilometers, sapat para sa pangangailamgan ng 2.3 million Filipino kada taon.


Sa kabilang banda, sinabi rin ni Lacson na ang mga incursions ng China ang pumipigil din sa atin na gamitin ang energy resources sa WPS partikular na sa Philippine Rise na may potensyal na pagkukunan ng natural gas at iba pang resources tulad ng heavy metals and metallic minerals.


Maliban pa ito sa kasalukuyang kontribusyon ng offshore hydrocarbon sources sa energy security, kung saan ang pinakamalaking oil production ay nanggagaling sa Galoc Field sa Palawan - na may total oil production na 21.15 million barrels base sa tala noong June 30, 2018.


Samantala, ang pinakamalaking gas production naman ng Malampaya ay nagkakahalaga ng 1.94 million standard cubic feet ng gas at 75.04 million barrels ng associate condensate, kung saan halos 25.8 percent ng kabuuang enerhiya ay nanggaling sa Luzon mula 2002 hanggang 2017.


Base naman sa US geological survey noong 2013, lumalabas na may 2.5 billion barrels of oil at 25.5 trillion cubic feet ng natural gas ang hindi pa nadidiskubre sa Spratly Islands, habang ang hydrocarbon reserves sa Reed Bank ay umaabot sa 55.1 trillion cubic feet ng natural gas at 5.4 billion barrels ng oil.


Base sa estimates ng ating Department of Energy, umaabot sa 165 million barrels of oil at 3.5 trillion cubic feet of gas ang mayroon sa Recto Bank.


"So these are the big effects not only on our national security but our food security and our economic security are also greatly affected," paliwanag ni Lacson.


Nagbigay naman ng manipestasyon si Lacson na sa susunod na pagdinig ng Senate Foreign Relations Committee ay dapat na imbitahan sina Western Command head Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez at Coast Guard commandant Vice Admiral Leopoldo Larroya, at iba pa, dahil sila ang magpapatupad ng anumang batas na may kinalaman sa WPS.


Dagdag pa ni Lacson, mabuti rin na maimbitahan ang iba pang personalidad tulad ng kapitan ng Gem-Ver na may personal na karanasan sa pambubully ng Chinese vessels. Ang Gem-Ver ay isang 14 toneladang fishing boat sa San Jose, Occidental Mindoro province, na lumubog matapos itong banggain ng Chinese trawler habang nasa Recto (Reed) Bank bago maghatinggabi noong June 9, 2019.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post