Friday, December 3, 2021

Ping, Tutulong sa Pagmomodernisa ng Ating Shipping Industry

Disyembre 3, 2021 - Marami tayong magagaling na marino pero tila isang balintuna na ang mga barko na ginagamit nila ay luma na.


Dahil dito, nangako si Senador Ping Lacson na magbibigay siya ng tulong sa mga Pilipinong marino at sa lokal na shipping industry para masiguro na ligtas at di outdated ang mga barko na ginagamit nila.


Ayon kay Lacson na tumatayong presidential standard-bearer ng Partido Reporma, nais nyang magkaroon ng streamlining ng mga tungkulin ng ahensya na nakatuon sa maritime affairs para matulungan ang industriya.


"I think it's ironic... While we enjoy the headway in terms of seafaring, ang ating facilities like ships, may edad na. I think we should work along the line of offering some financial package or assistance to our shipping industry," ani Lacson sa isang virtual forum kasama ang mga kawani ng the shipping industry nitong Huwebes.


Ito ay para masiguro na hindi masasayang ang talento ng mga Filipino seafarers na kilala sa isa sa mga magagaling sa buong mundo at humahawak kadalasan ng mga teknikal at managerial posts.


Ibinahagi pa ni Lacson na bagama't walong taon ang edad ng mga pangkaraniwang barko ng mga kalapit nating bansa sa Association of Southeast Asian Nations (Asean), ang average age ng mga barko dito sa Pilipinas ay 25 taon.


Samantala, sinabi naman ni Lacson na kailangan pang pag-aralan ang mga panukala na gumawa ng mga bagong departamento na mangangasiwa sa maritime affairs.


Sinabi naman ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na katandem ni Lacson at tumatakbo sa pagka Bise Presidente sa ilalim ng Nationalist People's Coalition, na kailangan nang i-rightsize ang burukrasya sa halip na palakihin pa ito.


"I think we should think of streamlining the functions of different agencies," ani Lacson.


*********


0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post