Tuesday, December 7, 2021

 Lacson-Sotto “Online Kumustahan” iikot sa Visayas


Palalakasin nina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga “Online Kumustahan” sa Visayas na layuning konsultahin ang mga komunidad at lokal na lider sa kanilang mga pangunahing pangangailangan at prayoridad.


Kasabay nito, inaaasahang pasisinayaan nina Lacson at Sotto ang headquarters ng Partido Reporma sa Cebu City sa Biyernes (Disyembre 10) at sa Dumaguete, Negros Oriental sa Sabado (Disyembre 11).

Kukumpleto sa Visayas tour ng dalawang batikang public servant ang pakikipagpulong nila sa iba’t ibang sektor sa Northern Samar sa Linggo (Disyembre 12).

Ang lahat ng mga event na ito ay mapapanood nang live sa Zoom at official social media account ni Lacson.

Nakikita na ang malakas na suporta sa dalawang batikang mambabatas, lalo kay Sotto na nagmula sa Cebu. Ang kanyang lolo na si Vicente Sotto ay naging kongresista sa probinsya bago maupo sa Senado noong 1950s.

Makakasama rin sa “Online Kumustahan” ang mga senatorial candidate ng tambalang Lacson-Sotto, kabilang si dating police chief Guillermo Eleazar, health advocate Dr. Minguita Padilla, dating congressman Monsour Del Rosario at ang mga guest senatorial bet na si dating Cabinet member Manny Piñol at brodkaster na si Raffy Tulfo.

Limitadong bilang lamang ang maaaring dumalo sa mga venue ng pagtitipon bilang mahigpit na pagsunod sa mga health protocol ng pamahalaan para makaiwas sa COVID-19.


*********

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post