Pag-Beripika ng Comelec sa YouTube Accounts ng Kandidato, Aprub kay Ping
Disyembre 13, 2021 - Aprubado at nararapat lamang ang gagawing hakbang ng Commission on Elections sa pag-beripika sa official YouTube accounts ng mga kandidato para sa 2022 elections, ayon kay Senador Ping Lacson.
Aniya, may potensyal kasi ang social media na magbigay ng maling impormasyon sa publiko lalo na’t hindi ito regulated.
"I couldn't agree more with the Comelec on this move. The use of social media platforms has almost become the qualifying barometer in educating - but ironically, also disinforming to the point of deceiving - our people," ani Lacson na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma.
Para kay Lacson, mas makabubuti rin kung may katulad na hakbang ang paiiralin sa iba pang social media platforms sa lalong madaling panahon o kaya bago pa man magsimula ang kampanya sa February 2022.
Mas makakatulong din aniya ito sa mga botante sa pagdedesisyon sa pagpili ng nararapat na lider sa May 9, 2022.
"Left unchecked, social media could lead to wrong choices of officials who will have the unenviable task of leading our country in its most trying times," paliwanag ni Lacson.
*********
0 comments:
Post a Comment