Wednesday, December 8, 2021

 Ping, Pinangunahan ang Pagdinig Hinggil sa Pagpapalakas ng Coast Guard Para Maprotektahan ang WPS

Disyembre 8, 2021 - Kailangang palakasin ang ating Philippine Coast Guard upang maprotektahan ang ating katubigan mula sa panghihimasok at pananakot sa West Philippine Sea gayundin upang mas magampanan nito ang kanilang tungkulin bilang primary maritime agency ng Pilipinas.


Ito ang binigyang diin ni Senador Ping Lacson nitong Martes nang kanyang pinangunahan ang pagdinig ng Senate subcommittee para mabigyang solusyon ang operational, administrative at organizational na isyu ng ahensya


"While we all point to the Philippine Coast Guard as the primary maritime agency of the government to strengthen our country’s sensitive frontiers in the West Philippine Sea, we can no longer keep the predicaments of the agency at bay," ani Lacson.


Dagdag pa ng senador, kailangan din pag-usapan ang umano’y distortion ng sahod, allowances, benepisyo at retirement ng mga PCG personnel bunsod ng kanilang paghihiwalay mula sa Armed Forces of the Philippines at alinsunod sa RA 9993, o ang Philippine Coast Guard Law of 2009 gayundin ang sistema ng ranggo at pay rate na may kinalaman sa Coast Guard.


Aniya, isang isyu na kailangang masolusyonan agad ay ang unity of command lalo na sa panahon ng giyera kung saan ang Coast Guard ay magiging attached sa Department of National Defense sa ilalim ng panukalang batas.


Pagbabahagi ni Lacson, ang Coast Guard commandant ay may four-star rank na katumbas ng ranggo ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.


"Who will take primary responsibility over whom? The reality on the ground is that the Navy has a more upgraded military capability compared to the Coast Guard," saad ni Lacson.


Ayon sa senador, kabilang sa mga mungkahi ay ang pag-aalis ng ranggo ng Coast Guard commandant habang nasa kalagitnaan ng giyera ang bansa at gawing second line of defense ang Coast Guard habang ang Navy ang magiging first line of defense. "And let the secretaries of the Department of Transportation and Department of National Defense deal with each other for lateral coordination."


Isa pang isyu ay ang pangangailangan na magsagawa ng regular patrol ng Coast Guard sa Pag-asa Island na binisita ni Lacson noong Nov. 20 at personal na naranasan ang pananakot na ginawa ng Chinese vessels.


Sa kasalukuyan, walang kapasidad ang Coast Guard na magsagawa ng regular patrols. Ang pinakamalapit na vessel nila ay nasa El Nido, Palawan at oras ang itatagal bago makarating ito sa Pag-asa na natatanging isla sa Kalayaan Group of Islands na may nakatirang mga Pinoy na residente. Hindi sila inaasahan na magsagawa ng regular patrol sa WPS hanggang 2022 kung kailan inaasahan na darating ang mga bagong vessels mula Japan.


"What if the Chinese Coast Guard vessels attempt to take over Pag-asa, how prepared are we to defend Pag-asa? Pag-asa is the only inhabited island. The others are shoals, classified as not really islands. Pagasa is a barangay under Kalayaan municipality," tanong ni Lacson.


"In the dire possibility the Chinese vessels attempt to attack Pag-asa how would the PCG respond to such a situation? How capable are we to at least put up a decent defense of Pag-asa island?" dagdag ng senador.


Ang iba pang mga isyu ay ang pagkakaiba ng mga pensyon ng reitradong Coast Guard at Navy personnel gayundin ang badyet na kinakailangan para maisaayos ang kapasidad ng Coast Guard.


Ayon kay Lacson, ang mga isyung ito "come in the foreground of the growing tension in the disputed territories in the West Philippine Sea amid the continuing Chinese intrusions and harassments on our fishermen, and very recently the water-cannoning incident against two Philippine Navy-commissioned supply vessels in the Ayungin Shoal occupied by our gallant personnel on board the BRP Sierra Madre, perpetrated by the Chinese Coast Guard."


Kabilang sa mga pinag-usapan sa pagdinig ng Sub-Committee of the Senate Committee on Public Services ay ang Senate Bill No. 2322 o “An Act Providing for the Administrative Reform and Reorganization of the Philippine Coast Guard, Revising for the Purpose Republic Act No. 9993, otherwise known as the Philippine Coast Guard Law of 2009,” Senate Bill 2265 para sa institutionalization ng PCG Auxiliary, na panukala ni Sen. Richard Gordon; at Senate Bill No. 1112, na layong magtayo ng PCG Academy, na panukala naman ni Sen. Imee Marcos.


Nanggaling ang Philippine Coast Guard mula sa noo’y Bureau of Coast Guard and Transportation na sinimulan noong 1901 sa kalagitnaan ng pananakop ng Amerika. Itinayo ito alinsunod sa Commonwealth Act No. 1, noong Dec. 21, 1935.


Noong 1967, sa bisa ng RA 5173, ginawang major unit ang PCG sa ilalim ng Philippine Navy ng Armed Forces of the Philippines hanggang March 30, 1998, kung saan inilipat naman ni President Fidel Ramos ang PCG sa ilalim ng Office of the President, at kalaunan ay sa ilalim ng noo’y Department of Transportation and Communications (na kilala na ngayon bilang Department of Transportation).


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post