FORT DEL PILAR, Baguio City - Dito nagsimula ang lahat limampung taon na ang nakalipas.
Dumalo si Senador Ping Lacson nitong Sabado sa inagurasyon ng New Florendo Hall na magsisilbing cadet barracks ng Philippine Military Academy kung saan nag-aral at nag-training noon ang senador.
Nasa PMA si Lacson para ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng Philippine Military Academy Matatag Class of 1971.
Noong 2016, nagmungkahi si Lacson sa Department of National Defense na maglaan ng pondo para sa pagsasaayos ng PMA Florendo Hall. Nagsulong pa ito ng imbestigasyon kung bakit hinayaang masira ang naturang barracks.
Dahil dito, nagpanukala si Lacson ng isang institutional amendment sa 2017 badyet kung saan dinagdagan ang alokasyon para sa pagpapagawa ng bagong cadet barracks sa PMA mula sa dating P100 milyon ay itinaas ito sa P335.02 milyon.
Panukala noon ni Lacson na ang karagdagang P235.02-million ay ibabawas mula sa P500 milyong badyet ng central office ng Department of Public Works and Highways.
Nagtapos si Lacson sa PMA bilang miyembro ng Matatag Class of 1971. Kasunod nito ang kanyang naging karera sa Philippine Constabulary kung saan ipinairal nya ang no-take policy. Namuno rin si Lacson bilang hepe ng Philippine National Police kung saan naibalik nya ang tiwala ng tao sa kapulisan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Sinundan ito ng kanyang paglilingkod sa Senado kung saan nakilala ang senador sa pagiging mahigpit na tagapagbantay ng pambansang badyet.
Sa kanyang pagbibigay ng serbisyo sa publiko, patuloy na pinagsusumikapan ni Lacson na ipamalas ang katapangan, integridad at katapatan na kanyang napulot mula sa PMA. Para kay Lacson, mahalaga na mapanghawakan ang prinsipyo at personal na kasabihan na kanyang naging gabay sa buhay, "Ang tama ipaglaban, ang mali labanan.”
**********
0 comments:
Post a Comment