Sunday, December 12, 2021

Solid na Solusyon sa Problema ng Bayan, Alok ng Lacson-Sotto Tandem


Disyembre 13, 2021 - Kongkreto, madaling ipatupad, at future-proof.


Ito ang kumakatawan sa plataporma ng gobyerno ng tandem nina Sen. Panfilo "Ping" Lacson at Senate President Vicente "Tito" Sotto III.


Para kay Lacson, ito ang mga katangian ng isang maayos na pamamahala na makakapag-ayos sa buhay ng bawat Pilipino.


"Senate President Sotto and I present ourselves as your Presidential and Vice Presidential aspirants with a concrete, implementable, and future-proof strategy not only to make us survive, but more importantly, to make us thrive as a nation," ani Lacson sa kanyang pakikipag usap sa local government at business leaders sa Dumaguete City.


"We have our greatest asset in this country, our people. You, the business sector, the youth, local government officials. Yan ang greatest asset natin na hindi nata-tap. Unfortunately I'm sorry we don’t have good governance," saad ng presidential aspirant.


Naka angkla sa bureaucratic at fiscal discipline ang plataporma ng Lacson-Sotto tandem gayundin ang kanilang brand na leadership by example. Si Lacson ay tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma habang si Sotto ay tumatakbo sa pagka Bise Presidente sa ilalim ng Nationalist People's Coalition.


Ayon kay Lacson, nahaharap ang bansa ngayon sa mga seryosong problema kaya naman hindi kailangang aksayahin ang boto sa pagpili ng maling lider ng bansa.


"We’re selling ourselves but in a way that we present our platform of government. We don't resort to entertainment," sabi ni Lacson.


*********

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post