Ping: Kailangan ng Lider na May Isip at Puso Para Maglingkod sa Bayan
Disyembre 4, 2021 - Ang isip at puso sa paglilingkod ay dapat na nakatuon para sa bayan at hindi sa pawang pamumulitika.
Binigyang diin ni Senador Ping Lacson nitong Sabado na dapat piliin ng taumbayan ang mga susunod na lider ng ating bansa na may "public servant mentality," o seryosong intensyon na paglingkuran ang mamamayan at mga susunod na henerasyon.
"A politician thinks of himself and the next elections. Yan ang pulitiko, inisip ang sarili niya at ang susunod na eleksyon. Ang public servant, he thinks of the nation and the next generation - yan ang dapat pananaw nating lahat sa public service," ani Lacson sa kanilang Online Kumustahan kasama ang mga tricycle operators and drivers sa Quezon City.
Ang "public servant" mentality ang nagtulak kay Lacson na kwestiyunin ang mga kahina hinalang appropriations sa badyet sa loob ng 18 taon sa Senado nang walang kinikilingang samahan o kaibigan sa pulitika.
Sa 18 taong masusing pagsusuri ni Lacson sa badyet, nakatipid ang taumbayan ng P300 bilyong pondo sa pamamagitan ng mga budgetary amendments at pagkaltas sa mga lump-sum, redundant, at kwestiyonableng appropriations.
Ang ganitong tatak ng serbisyo publiko ang nagbigay kay Lacson ng degree of Doctor of Laws, Honoris Causa, mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong March 2019.
"Pera nating lahat ito, bakit di natin babantayan?" saad ni Lacson.
Samantala, inalala rin ng senador ang kanyang karera sa law enforcement kung saan niligtas niya ang mga biktima ng kidnapping ngunit mariing tinanggihan ang mga pabuya mula sa mga pamilya bilang isang halimbawa sa na hindi kailangan ang pabuya para gawin nila nang maayos ang kanilang trabaho.
Nang kanyang pinamunuan ang Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001, ipinatupad ni Lacson ang 85-15 formula kung saan 85 percent ng PNP resources ay napunta sa field at 15 percent lamang ang nakalaan sa headquarters.
Para kina Lacson na tumatakbo sa pagka-Presidente sa ilalim ng Partido Reporma at sa kanyang running mate na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na tumatakbo sa pagka Bise Presidente sa ilalim ng Nationalist People's Coalition, naipakita nila sa taumbayan ang kanilang "public servant" mentality sa kanilang 83 taon sa serbisyo publiko kabilang na ang 42 taon bilang mga senador.
*********
0 comments:
Post a Comment