Ping, Ipinagtanggol ang Magsasakang Pilipino sa Banta ng Korean Strawberries at Pagtaas ng Presyo ng Soya
"Why are you killing your fellow Filipinos? Gusto nyo mawalan ng hanapbuhay ang kababayan natin sa La Trinidad?"
Kinuwestyon ni Senador Ping Lacson nitong Martes ang Bureau of Plant Industry (BPI) sa ilalim ng Department of Agriculture dahil sa pagpayag ng ahensya na mag-import ng strawberries mula Korea.
Ipinarating din ni Lacson ang mga hinaing ng mga magsasaka sa La Trinidad kung saan maaari anila na makapasok ang mga peste at ibang sakit sa pananim dahil sa pagdating ng mga strawberries mula sa Korea.
"We are killing the local industry. Why import strawberries and carrots when we have strawberries and carrots here? I think your commitment to your fellow Filipinos should be more important than your commitment with importers," sambit ni Lacson kay Ariel Bayot ng BPI.
Hindi rin binili ni Lacson ang argumento ng BPI na kaya nila pinayagan ang importasyon ng Korean strawberries dahil iba ang target market nito kumpara sa mga strawberries na galing La Trinidad.
Umaabot sa P1,500 kada kilo ang Korean strawberries habang ang mga galing sa La Trinidad ay P200 kada kilo lamang. Mas makikita rin sa high-end na retail outlets ang mga strawberries galing Korea kaysa sa mga nanggaling sa La Trinidad.
Para kay Lacson, isang insulto pa para sa mga magsasaka sa La Trinidad ang naturang importasyon lalo na’t peak season ngayon ng mga strawberries. "Para kayo nananadya." sabi ni Lacson sa BPI.
"Ang worry dito ng mga taga-La Trinidad, hindi lang ang influx ng smuggled agricultural products. Pag napasukan pa ng peste, yan pa isang concern kasi hindi dumadaan sa inspection,” dagdag ng senador.
Samantala, nanawagan naman si Lacson sa DA na bigyan ng tulong ang mga magsasaka na nahaharap sa posibleng pagdoble ng presyo ng pataba dahil sa pagtaas ng presyo ng soya sa kabila ng bumababang paggalaw ng presyo ng soya sa international market.
"Whatever assistance you can render. Tataas ang meat products na locally produced, tataas din ang presyo ng gulay. Kailangan ng intervention,” saad ni Lacson.
*********
0 comments:
Post a Comment