Sunday, December 12, 2021

Ping: Pagbebenta ng Boto, Anim na Taong Pagsisisi

Disyembre 12, 2021 (DUMAGUETE CITY, Negros Oriental) - Ang pagbebenta ng boto ay maaaring magresulta sa anim na taon o mahigit pang pagsisisi.


Pinaalalahanan ni Senador Ping Lacson nitong Sabado ang mga botante laban sa mga alok na pera galing sa ibang mga kampo at kandidato kapalit ng kanilang boto sa May 9, 2022.


Binigyang diin ni Lacson na tanging ang lider lamang na may maganda, tapat at malinis na rekord ng pamamahala ang makakapagpalabas sa potensyal ng mga Filipino at maisaayos ang buhay ng taumbayan sa loob ng anim na taon.


"Iniisip nila out of desperation, 'Tama na ito, for one week I can survive with P2000 to P3000' but not knowing that three or six years hence, ang living condition, naroon ang misery ng buhay," ani Lacson, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma, sa kanyang pakikipag usap sa local government officials at local business leaders.


Sakaling manalo ang mga maling kandidato dahil sa vote buying, di lamang nito bigong mabibigyan ng solusyon ang mga problema ng bansa kundi mapapalala pa nito ang buhay ng Filipino.


Dahil dito, dapat nang magising ang taumbayan sa realidad na nasa kamay nila ang pumili ng nararapat na lider na pamumunuan ang bansa sa loob ng anim na taon. "It’s all up to you it’s all up to us. We should choose wisely our next leaders," aniya.


Para kay Lacson, isa sa mga isyu na bansa ang kakulangan sa matino at maayos na pamamahala at maling paggamit ng badyet sa halip na nagagamit ito sa mga progeama tulad ng implementasyon Universal Health Care Act.


"We have our greatest asset in this country, our people. You, the business sector, the youth, local government officials. Yan ang greatest asset natin na hindi nata-tap," ani Lacson.


Sabi pa ni Lacson, handa siya at ang kanyang ka-tandem na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III, ay handang ialay ang kanilang sarili sa bayan at magpatupad ng kongrekto at future proof strategy para makaahon ang bansa sa pandemya at makausad ang bayan.


Dagdag pa ng presidential aspirant, naka angkla ang kanilang programa sa gobyerno sa bureaucratic at fiscal discipline, at leadership by example.


"We’re selling ourselves but in a way that we present our platform of government. We don't resort to entertainment," saad ni Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post