Ping, Suportado ang 60-40 Joint Venture sa WPS
Disyembre 12, 2021 (DUMAGUETE CITY, Negros Oriental) - Walang oras ang dapat na masayang sa pagsisiyasat sa maaaring mapagkunan ng enerhiya sa West Philippine Sea.
Sa puntong ito, sinabi ni Senador Ping Lacson na malugod nyang sinusuportahan ang joint venture kasama ang ibang bansa sa paghahanap ng mapagkukunan ng energy resources basta masusunod ang 60-40 formula ayon sa Konstitusyon.
"I’m supportive of a joint exploration with any country, not necessarily China. We don’t have the wherewithal or technical expertise to explore oil," ani Lacson sa mga local government officials at local business leaders.
Base sa impormasyon na natanggap ni Lacson, hindi bababa sa 200 billion barrels ng langis ang mayroon sa Area 72 sa parte ng West Philippine Sea na nasasakupan ng Pilipinas.
"Just imagine if we can harness such oil and natural gas resources, what it can do to the Philippines as a country economically," saad ni Lacson.
Dagdag pa ng presidential aspirant, bagama't nasa teritoryo at sakop ng ating exclusive economic zone sa WPS ang energy resources na ito, kulang ang Pilipinas ng technical at financial resources para masuri ang maaaring mapagkunan nito.
Ngunit binigyang diin ni Lacson na importante pa rin na kung sinuman ang makasama ng Pilipinas sa naturang exploration ay masiguro na susunod sila sa 60-40 provision ng ating Konstitusyon.
Sa ilalim ng Sec. 2, Art. XII of the 1987 Constitution, maaaring pumasok ang Pilipinas sa "co-production, joint venture, or production-sharing agreements with Filipino citizens, or corporations or associations at least sixty per centum of whose capital is owned by such citizens."
Samantala, sinabi ni Lacson na kailangang manatili na naka angkla ang ating foreign policy sa ating national interest - "but directed at strengthening our alliances with equally powerful countries like China."
Aniya, ang pananakot na ginagawa ng China sa West Philippine Sea ay nagresulta sa tripleng problema sa ating national security, food security at economic security.
*********
0 comments:
Post a Comment