Sunday, December 12, 2021

Ping, Nagbabala sa mga Mag-Aabuso sa Anti-Terror Law: Mapapanagot Kayo

Disyembre 12, 2021 - Ang batas ay batas at walang special treatment. Ang mga lalabag sa mga karapatang pantao ay pananagutin.


Ito ang binigyang diin ni Senador Ping Lacson. Aniya, ang mga mahuhuli lamang na gumawa ng acts of terrorism ang mapaparusahan ng Anti-Terrorism Act of 2020.


"No matter who you are, if you commit acts of terrorism, you will be answerable under the law. The law is the law. Walang target ito kundi ang nagko-commit ng acts of terrorism," ani Lacson sa presscon sa Dumaguete City nitong Sabado ng tanghali.


Kamakailan ay kinilala ni Lacson ang desisyon ng Korte Suprema na nagsasabi na constitutional overall ang naturang batas. Si Lacson ang nagsulong ng panukala sa Senado.


Sa kabila nito, nagbabala naman si Lacson na mapapanagot ng batas ang sinuman na mahuhuling lalabag sa karapatang pantao.


"A human rights violation is a human rights violation. People responsible for violating the human rights of others must be held accountable and criminally liable," aniya.


Sa kabilang banda, kinuwestyon naman ni Lacson ang ibang mga grupo na duda sa naging desisyon ng Korte Suprema.


"First they were claiming victory. Next they claim partial victory. Now they are whining and saying they will appeal, they are not happy. Which is which? There is no partial victory. This is a victory for peace," ani Lacson.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post