Wednesday, December 15, 2021

Ping: Contract Tracing, Susi sa Pagpigil sa Omicron

Contract tracing ang magiging susi sa pagpigil sa pagkalat ng Omicron variant ayon kay Senador Ping Lacson.

Para sa senador, kailangang tutukang maigi ng gobyerno ang pagtunton sa mga indibidwal na nagkaroon ng contact sa dalawang kaso ng bagong variant na nakumpirma kamakailan ng Department of Health.

"Contact tracing is key. The two have been here for quite a while. I hope all their co-passengers - and those whom they got in contact with before the detection of the Omicron variant - are all accounted for and closely monitored," ani Lacson sa kanyang post sa Twitter.

Nitong Miyerkules, kinumpirma ng DOH na mayroon na tayong dalawang kaso ng Omicron sa bansa - isang Pilipino galing sa Japan at ang isang Nigerian national na dumating sa bansa galing Nigeria.

Pareho na silang naka-isolate sa isang pasilidad ng Bureau of Quarantine, habang bineberipika ng DOH ang kalagayan ng mga nakasama nilang pasahero sa eroplano.

Ayon kay Lacson, dapat gawin ng gobyerno ang lahat para maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant sa bansa dahil posible itong makadagdag sa pinsala na inabot ng pandemya sa ating kalusugan at ekonomiya. 

"It bears repeating that while the government must learn from past lapses to deal with the new variant, the public must also do their part by observing distancing and other health protocols," giit ni Lacson.

*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post