Sunday, November 7, 2021

Ping: Karanasan ng Susunod na Lider ang Kailangan Para Makaahon ang Bayan

Nobyembre 6, 2021 (CABUYAO, Laguna) - Karanasan ang pinaka-importante sa isang lider para makabangon sa kahirapan na mas pinalala pa ng pandemya, ayon kay Senador Ping Lacson nitong Sabado.


Inihambing ni Lacson ang bansa sa isang pasyente sa Emergency Room kung saan kailangan nitong pumili sa pagitan ng isang "fresh grad" galing sa medical school at isang beteranong surgeon na may magandang track record.


"Kung sa ER kayo at lucid pa kayo, ang pipiliin nyo bang duktor ang matikas na bago o yung sanay sa opera? Siyempre pagkakatiwala ko buhay ko sa mas maraming karanasan," ani Lacson sa isang pagtitipon na dinaluhan nila ng kanyang running mate na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III.


Si Lacson ay tumatakbo sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma habang si Sotto ay tumatakbo naman bilang kanyang Bise-Presidente sa ilalim ng Nationalist People's Coalition. Buong pagmamalaki ng tandem na may pinagsama silang 80 taong tapat na serbisyo publiko.


Kabilang sa walong dekada na paglilingkod ang 42 taon ng legislative work bilang mga senador ng Republika, katunayan ng kanilang karanasan sa paglilingkod sa mamamayang Filipino.


"Yan ang maihahain namin sa inyo ni SP Sotto - may Kakayahan, Katapatan, at Katapangan," sabi ni Lacson.


Samantala, binigyang diin muli ni Lacson ang panukala niya na palakasin ang lokal na pamahalaan para maipatupad nila ang kani-kanilang proyekto. Kabilang ito sa isinusulong ni Lacson na Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE), kung saan ang lokal na pamahalaan ay dapat na makatanggap ng sapat na resources para sa kanilang development projects.


Magandang halimbawa nito ang nangyari sa Cabuyao kung saan nakapagtayo sila ng dalawang ospital at dalawang paaralan nang walang tulong mula sa national government.


Sa kabila nito, hindi naman ito ang nangyayari sa ibang lalawigan sa bansa. Sa katunayan, umaabot sa P328.25 bilyon ang hindi nagagamit na pondo kada taon mula 2010 hanggang 2020.


"Ito ang dapat natin itama, kasi mali talaga," giit ni Lacson.


Sinabi rin ng senador na dapat maglaan ng sapat na pondo para tuluyang maipatupad ang Universal Health Care law, na layong gawing libre ang health care sa lahat ng mga barangay sa buong bansa.


Sakaling mahalal bilang Pangulo ng bansa sa Mayo 2022, nangako si Lacson na popondohan ng kanyang administrasyon ang "high-cost" stage ng Universal Health Care Act para masakop ng coverage ang lahat ng mga barangay at mabigyang subsidiya ang Philhealth premiums para sa lahat ng Filipino lalo na sa mga kabilang sa indirect contributory populations, at masiguro na lahat ng healthcare workers ay makakatanggap ng kanilang benepisyo.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post