Sunday, March 27, 2022

Lacson, Matapang na Ipagpapatuloy ang Kampanya bilang Independent Candidate

Marso 27, 2022 - Marangal at matapang, tulad ng mandirigma. Ganito ipagpapatuloy ni independent presidential aspirant Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson ang kanyang pangangampanya sa kabila ng kanyang pagbitiw sa partido.


Para kay Lacson, sanay na siya na maging "mandirigma" sa loob ng kanyang dekada sa serbisyo publiko bilang law enforcer at mambabatas.


"Being a ‘mandirigma’ in all my public service life is useful. I am used to being alone in a lonely crusade against a corrupt system for the past 50 years. Nonetheless I am going all-in and all the way. Once a warrior, always a warrior," ani Lacson sa kanyang Twitter post nitong Linggo.


“I am used to starting a crusade - though it might be a difficult and lonely fight at first, the people would eventually see my point and join my cause. This is shown each time that my name has been put on the ballot, and the people have always renewed my mandate to serve them," dagdag niya.


Sa kanyang pagsisilbi sa Philippine Constabulary at Philippine National Police, nakilala si Lacson sa matagumpay na paghuli sa mga kriminal at sindikato pati na rin ang mga gumagawa ng ilegal na transaksyon sa PNP. Mariin din niyang tinanggihan ang mga alok na reward money at suhol mula sa mga maimpluwensyang tao.


Hindi na rin bago kay Lacson ang magkaroon ng mga kaaway na nagsimula noong ipinatupad niya ang "No-Take" Policy at kahit mag-isa lamang siya na tumututol sa korapsyon na nasa pork barrel system.


Sa kabila nito, nanatili si Lacson sa kanyang prinsipyo at hindi kailanman nanira ng sinuman.


Nitong Marso 24, inanunsyo ni Lacson ang kanyang pagbitiw sa Partido Reporma matapos magdesisyon ang partido na mag-endorso ng ibang kandidato. Noong Marso 25 naman, isiniwalat ng presidential aspirant na ang paghingi ng Reporma ng P800 milyon ang dahilan kung bakit lumipat ang partido sa ibang kandidato.


Sa kabila nito, marami naman ang humanga at nagbigay ng kanilang respeto kay Lacson dahil sa kanyang paninindigan at pagpapatuloy ng kanyang pagtakbo sa halalan.


Nitong Sabado, marami sa mga lider at miyembro ng Partido Reporma sa Bohol ang nagbitiw din sa partido para suportahan ang pagtakbo ni Lacson.


Sila na bumuo ng grupo ngayon ng tinatawag na "Lacson-Sotto Support Group" sa Bohol ay nagpahayag ng kanilang patuloy na pagsuporta sa kandidatura ni Lacson. Kabilang sa miyembro nito ay sina Jagna Mayor Joseph RaΓ±ola at dating provincial police chief Edgardo Ingking; Joseph Sevilla (1st district coordinator); Eduardo Aranay (2nd district coordinator); at Emmanuel Solomon Duites (3rd district coordinator).



Anila, pinili nilang suportahan si Lacson dahil "we believe that we need a leader like him who has a clear vision on what he wants to do for our country and people and a clear plan based on science and hard data on how to accomplish it."


"As a public servant who is proven to be incorruptible and one who leads by example, we need a leader like SENATOR LACSON who can tame the bureaucracy in embracing Good Governance and restore the full trust of the Filipino people back to the government," dagdag ng grupo.


Kamakailan din ay umalis na rin sa partido ang ilang miyembro ng Reporma sa Cavite chapter habang ang senatorial bets naman na sina Minguita Padilla at Guillermo Eleazar ay nagpahayag ng patuloy na suporta kay Lacson. Kasama rin sa nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Lacson ang founder at chairman emeritus ng Reporma na si Renato de Villa.


*********





0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post